Chapter 40

771 14 0
                                    

Sabi nila love is sweeter the second time around. Depende naman siguro sa taong bibigyan mo ng ikalawang pagkakataon. If he deserves it, why not? But if he doesn't deserve it, why bother? Sa case namin ni Zach, we can still give it a try. Hindi naman nawawala ang feelings ko para sa kanya.

Hindi ako relihiyosong tao pero naniniwala ako na kapag humiling ka ng buong puso at samahan mo ito ng matinding dasal ay ibibigay sayo ang kahilingan mo. Hindi man sa ngayon pero ibibigay yun sayo sa takdang panahon.

Sa dami ko nang iniisip hindi ko namalayan na may kumakatok sa pintuan ko at iniluwa nun ang katulong namin.

" Ma'am Skye, may bisita po kayo sa baba, " anunsiyo niya. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad din siyang lumabas ng kwarto ko at bumaba.

Nagtataka ako kung sino ang bisita ko dahil wala naman akong natatandaan na may usapan kaming apat na magkikita or may pupuntahan kami. Out of curiosity, I went downstairs to check who my visitor was. Nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi ko makita ang itsura niya. Kausap siya ni tita Stef at mukhang masinsinan ang pinag-uusapan nila. Agad na tumingala si tita nang makita niya akong pababa ng hagdanan.

" Oh, nandito na pala ang sadya mo. Nice meeting you, Zach. " Napako ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pangalan ni Zach. Hindi ko inaasahan na pupuntahan niya ako sa bahay. Parang gusto kong tumakbo pabalik ng kwarto para mag-ayos ng sarili ko but it's too late now. Nakita na niya ako at nakangiti siyang kumakaway sa akin. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya. May hawak siyang malaking bouquet ng mga bulaklak at ibinigay niya ito sa akin.

" Hi, sorry for coming here without informing you. Para sayo iyang bulaklak. " Napakamot siya sa kanyang batok habang nagsasalita. Ang cute niya tingnan. Kailan pa nawalan ng self confidence ang isang Zachary Collins? Hindi ko mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko.

" Bumalik na ba ang alaala mo? Alam mo na kasi puntahan ang bahay ko. " Napangiti siya sa tanong ko sabay tango. Inaya ko siyang umupo ulit. Nakatingin lang siya sa akin at ako naman hindi makatingin ng diretso sa kanya. Sobrang intense ng mga titig niya para akong matutunaw.

" So, what brought you here? " Tanong ko para mawala ang awkward feeling na bumabalot sa pagitan namin.

" I want to court you again. I want to make it right this time. " Seryoso ang mukha niya habang sinasabi ito sa akin.

" Ikaw ang bahala. Pero alam mo naman na hindi ako mahilig sa pa flowers mo pero thank you sa effort. " Lumabas si tita at may dala itong tray ng inumin at snacks at inilapag ito sa coffee table sa gitna.

" Zach, dito ka na mag lunch and I don't take no for an answer. " Hindi pa nakasagot si Zach pero umalis na si tita. Isa sa mga ugali ko na kapag may inimbitahan akong tao. Ayaw ko na tinatanggihan ako. I hate rejections. Nagmana yata ako kay tita Stef.

" Mabait naman ang tita mo pero ang pinsan mong si Stephen parang galit lagi kapag nakikita ako. " Natawa ako sa sinabi niya. Totoo naman kasi na ayaw sa kanya ni Teptep. How I missed that guy.

"Mabait si Stephen, very possessive nga lang. Anyway, bumalik na siya ng France kaya wala ka ng dapat na ipag-alala. " Ang sumunod na mga sandali ay puro katahimikan. Naging awkward bigla dahil sa pananahimik namin pareho. Back to zero talaga kami kaya nangangapa na naman kung ano ang magiging topic namin. Lumipas ang mahabang katahimikan sa pagitan namin. Sakto naman at lumabas si tita at napansin ang pananahimik namin.

" May dumaan ba na anghel? Sobrang tahimik niyo. " Umupo siya sa bakanteng upuan sa gilid ko. Bigla naman nag ring ang cellphone ko at tiningnan ko kung sino ang tumawag. It was Abby. Good timing, Abby.

" Excuse me, sasagutin ko lang ang tawag. Tita, ikaw na po muna bahala kay Zach. " Lumabas ako ng bahay at pumunta ng garden para sagutin ang tawag ni Abby.

The Goddess  NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon