CHAPTER 2 -ACE GODDESS-

7.8K 228 37
                                    

SKYE'S POV

Nasa cafeteria ako ngayon  bibili ng pagkain ko. Nakapila ako ngayon which is first time kong gawin sa tanang buhay ko. I never fall in line to buy my food because someone does that for me way back before I accepted this challenge.

Lahat nanaman na mga mata sa akin nanaman nakatingin. Stares that full of disgust and hate. Daig ko pa ang may nakakahawang sakit kung iwasan ng mga stupidents dito.

"Ayan na ang Ace Goddess, I've heard na wala daw si Skye nasa abroad daw."

" Ang gaganda talaga nila no? Sayang wala 'yong crush kong si Skye. "

" Kaya nga Ace Goddess ang name ng group nila dahil puro sila goddess. "

" Sana mapabilang din ako sa group nila. "

" In your dreams! Marami na ang nag attempt na sumali sa group nila but none of them were qualified. Mayaman ka pero hindi kasing yaman nila, maganda ka pero hindi kasing diyosa nila. Kung ako nga na mas lamang sa'yo hindi qualified eh, ikaw pa kaya?! "

Ilan lang 'yan sa mga naririnig kong usapan nila. Natatawa nalang ako dahil kung hindi pa ako naging nerd hindi ko pa maririnig lahat ng ito. Marami nga ang gustong mapabilang sa group namin but we don't accept just like that. Kung nalamangan mo kami, still hindi ka parin namin tatanggapin. Bakit? Dahil hindi kami basta-basta tumatanggap ng mga isasali sa group namin. Kaya hanggang hanga at pantasya nalang sila sa amin. No one dares to mess with us, because if you mess with us, We'll bring hell to your life.

I texted Abby the moment she saw me.

To Abby:

Don't get near me and don't talk to me in public. Tell Ayana as well. We'll talk on the phone.

From Abby:

Got it, I know you can take care of yourself. See you on Saturday.

Maghahanap na sana ako ng table ko pero halos lahat punuan na. Hindi naman ako pwedeng lumapit sa table naming mga Goddess dahil nerd ako. Pag lingon ko nabangga ako ng girl dahil panay ang pindot niya sa phone niya. Apparently, she's texting while walking. Kaya natapunan ng juice ko ang damit niya.

" Look what have you done to my dress?! Don't you know how much I bought this dress? It cost me a fortune. God! You're so stupid. Ang pangit mo na nga bulag ka pa. " Hysterical ng low class na babae sa harap ko. Her attitude is not pang mayaman at halata na walang breeding. Tiningnan ko ang dress niya na mukhang basahan naman sa paningin ko. Kung tutuusin walang wala ang dress niya sa mga damit ko. Kumbaga ang dress niya pambahay ko lang pero kung mag wala akala mo naman sobrang mahal ng damit niya. Nakakahiya ang attitude niya, ang tunay na Goddess hindi nag wawala na tulad ng girl na kaharap ko.

" Sorry ha? Hindi ka kasi nakatingin sa dinadaanan mo kaya nabangga mo ako. " Sarcastic kong sabi sa kanya na mas lalong ikinainis naman niya. Sorry na lang siya ako pa talaga ang binangga niya.

" Aba't sumasagot ka pa? Ibang klase ka rin na pangit ka. Ikaw pa lang ang nerd na nakilala ko na matapang. " Tinalikuran ko na siya dahil sa totoo lang wala akong panahon na mag entertain ng mga kagaya niyang low class bitch. Ngunit bago pa ako makalayo doon hinila niya ang kamay ko at hindi niya nailagan ang susunod kong ginawa. Dumapo sa pisngi niyang makapal ang malambot kong palad. Ouch! That hurts!

" Kung sino ka man wala akong panahon sa'yo. Kung tutuusin nga ikaw pa ang may kasalanan sa akin pero ako ang nag sorry sa'yo. Kapal ha?! At hindi lahat ng nerd ay takot at pwedeng ibully. Spare me! " Saka ako umalis sa cafeteria. Ngunit bago ako makalayo dun sumulyap ako sa table ng Goddess at ang dalawang bruha ang lapad ng mga ngiti. Napailing nalang ako at pumunta na sa next subject ko.

The Goddess  NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon