Chapter 24

563 10 0
                                    

Katatapos lang ng klase namin at plano ko ng pumunta sa hospital. Sinalubong ako nila Abby at Ayana sa parking lot. It's been three days since Zach had an operation but until now He is still unconscious.

"Skye, pupunta ka ng hospital ngayon? " Tanong ni Abby. Nakasunod lang sila sa akin.

" Yes, kailangan ko na dalawin si Zach. Baka gumising na yun ngayon eh. Gusto ko nandun ako kapag gumising siya. " Niyakap ako ni Abby to comfort me.

" Don't abuse yourself, rest if you are tired. I'm sure ayaw ni Zach na magkasakit ka. " Paalala ni Abby sa akin. I've been so stressed lately. Paano ba ako kakalma kung nasa ospital si Zach? 

" I know Abby, thank you for reminding me. " I smiled at her kahit pilit lang yun. Ang hirap ngumiti kung opposite naman yung nararamdaman mo. 

" Take care Skye. Always remember that we're just one call away. " Sabi ni Ayana sa akin. I'm lucky I have a friend whose always been there in the most difficult time of my life. 

" I love you guys. " Tumango lang sila sa akin at nag paalam na ako sa kanila. Mabilis lang ako nakarating ng ospital dahil hindi naman ganun ka trapik.

Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok ng room ni Zach. Naabutan ko si Natasha na kausap ang mommy ni Zach. Napatingin sila sa gawi ko at ngumiti si tita Zeny sa akin. Natasha just stared at me. Parang ayaw niya na makita ako na dumadalaw kay Zach. I'm the girlfriend and I have the right to visit my boyfriend. Siya nga sabit lang dito pero dinaig niya pa ako kung umasta siya.

" How's Zach, Tita? May improvement na po ba? " Lumapit ako sa tabi ni Zach at hinawakan ang kamay niya. Para lang siyang natutulog dahil sobrang peaceful ng mukha niya kahit naka benda ito.

" Unconcious pa rin siya. Sabi ng doctor kailangan na niyang magising this week dahil kung hindi baka nasa state of coma na siya ng mahabang panahon. " Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. He can't be like this forever. He needs to wake up.
"Iha, maiwan muna kita dito. Bibili lang kami ng dinner ni Natasha sa labas. Is that okay? " Tumango lang ako kay Tita. Ayaw pa sanang umalis ni Natasha pero hinila na siya ni tita palabas ng kwarto. Naiwan akong mag isa kay Zach.

" Babe, wake up. Three days ka ng tulog. Hindi mo ba ako namimiss? Kasi ako, miss na miss na kita ng sobra. " Unti-unting nag bagsakan ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan na umiyak dahil sa narinig ko na binalita ni Tita.
" Itutuloy pa natin yung date natin na nacancel last time. Namimiss ko na yung boses mo, yung mga tawa mo. Yung pagpapakilig mo sa akin. Lahat yun miss na miss ko na. Mahal na mahal kita Zach. Kahit hindi ko man yun sinasabi sayo lagi dahil hindi ako yung typical girlfriend na katulad ng karamihan. Pero sayo lang ako nag tiwala ulit. Ikaw lang ang nagpatibok ng puso ko after four years of being single. Ayokong mawala ka sa akin ng hindi ko man lang naipakita sayo na sobrang mahal kita. Please, wake up! " Napasubsob ako sa higaan niya dahil sobrang lakas na ng mga hikbi ko. Sobrang bigat ng damdamin ko at tanging pag iyak lang ang alam ko na sulosyon para mabawasan ito.

Pinunasan ko na ang mga luha ko at inayos ko ang buhok ko. Sakto lang na nakapag retouch ako nung dumating sila Zander at Zandro. Lumapit sila sa tabi ko at nakikiramdam.

" Lumabas sila Tita to buy some dinner. Kumain na ba kayo? " Tanong ko sa kanilang dalawa. Napakamot naman sa ulo si Zander. For sure hindi pa ito kumakain.

" Hindi pa, dumiretso na kasi kami dito after namin mag bihis. Ikaw, kumain ka na ba? " Nakatingin siya kay Zach habang tinatanong niya ako. Sa totoo lang wala akong ganang kumain.

" Busog pa ako eh. " Sabi ko sa kanila pero kabaliktaran naman ang sinasabi ng tiyan ko. Bigla kasi itong tumunog na narinig naman nilang dalawa. Tumawa naman sila nung marinig nila yung huni ng tiyan ko.

The Goddess  NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon