CHAPTER 14 - THE MAKE OVER-

5.8K 190 29
                                    


ALEXANDRA'S POV

" Alexa, you need a total make over. " Pinal na sabi ni Abbie. Kanina niya pa kasi akong kinukulit na ipagupitan ko daw ang buhok ko at gawing bob cut yung style.

" Fine! You win Abbie, besides matagal narin yung last na pagupit ko. " Pagpayag ko sa suhestiyon nila. Nandito kami ngayon sa salon at nagpapaayos ng buhok. Si Skye nag pakulay ng buhok, si Abbie naman nagpa rebond while Ayanna just trimmed her hair. Ayaw niya kasi ng short hair kaya kunting trim lang ang ginawa sa buhok niya.

Pagkatapos namin sa salon pumunta naman kami sa isang boutique at namili ng damit. Pinapasukat nila sa akin ang limang dress na napili nila at ako naman nakikiayon na lang sa gusto nila. Dress is not my style, puro jeans and shirt lang ang hilig kong suotin. Para naman akong model na pagnasuot ko na ang damit lalabas ako ng fitting room at ipakita sa kanila kung bagay ba sa akin ang damit or hindi. Nakailang sukat din ako bago sila sumang-ayon sa huling damit na sinukat ko. Nakakapagod din pala pumili ng damit na babagay sa akin lalo pa kung sila ang kasama ko.

Pagkatapos namin sa boutique napag pasyahan namin na mag bar after ng early dinner namin. Dun na kami sa bahay nila Abbie nag dinner at nag bihis since wala namang problema sa mommy niya. Super bait nga ng mommy niya at very supportive pa kay Abbie. Sana ganun din si mommy sa akin. Pero bago pa ako malungkot at mag drama dito iwinaksi ko na yung thought na yun. Naging abala narin ako sa pag aayos ng sarili ko. Hindi ako marunong mag make up kaya tinuruan pa muna nila ako kung paano ang tamang pag lagay ng make up at kung anong kulay ng blush on ang ilalagay kung gabi at kapag umaga. Ganun pala yun? Akala ko naman kahit ano nalang ang ilalagay para may blush on lang. Na stressed ako sa pag papaganda no wonder inaabot ng ilang oras ang tatlo sa pag papaganda. Halos isang oras din ang lumipas at natapos nila akong ayusan. Ibinigay ni Abbie sa akin ang salamin para lang magulat sa ichura ko.

" Oh my god! " Bulalas ko pagkakita ko ng mukha ko sa salamin.

" Ganyan ka kaganda Alexa kung nag aayos ka lang. You're not ugly, hindi ka lang marunong mag-ayos ng sarili mo. " Pahayag ni Skye. She's right, hindi naman talaga ako pangit kaya lang mababa lang talaga ang self esteem ko na pakiramdam ko ang pangit ko. Napangiti ako sa repleksiyon ko sa salamin. Hindi na ako mukhang nerd at manang kundi parang goddess narin ako.

" Thank you sa inyong tatlo. Pinagtiyagaan niyo akong ayusan. " Lumapit sila sa akin at nag group hug kaming apat. Yung pakiramdam na parang tumaas ang self esteem ko at ang gaan sa feeling. Ganito pala ang feeling kapag maganda.

" Matagal ka ng maganda Alexa pinaganda ka lang namin lalo. From now on, you're part of The Ace Goddesses. " Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Skye. Ako? Part na ng Ace Goddesses? Hindi ko naman pinangarap na mapasali sa group nila kasi simpleng tao lang naman ako at mas marami ang mas qualified kesa sa akin. Kaso hindi basta-basta nagpapasali si Skye sa group nila unless she likes you a lot.

" Welcome Ace Goddess Alexa! "  Sabay na sambit nila Ayanna at Abbie. Naluluha ako sa sobrang galak pero pinipigilan ko na h'wag umiyak kasi baka masira ang mascara ko.

" Oh, bawal umiyak Alexa. Baka mag mukha kang zombie mamaya. " Natatawang sabi ni Skye. Bago pa bumaha ng luha sa bahay ni Abbie ay nag pasya na kaming pumunta ng club republiq. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Kaba, excitement at hiya. First time kong pupunta ng bar at base naman sa sinabi ni Skye high end bar naman daw ang club republiq dahil puro elite ang mga nagpupunta dun.

Sa labas palang ng bar marami na ang naka park na magagarang kotse tanda na puro elite ang mga nandun sa loob. Sa entrance palang binati na silang tatlo ng bouncer ng club.

The Goddess  NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon