CHAPTER 17 *CONFUSED*

3K 95 38
                                    

Isang linggo ang matuling lumipas at sa loob ng isang linggo walang palya ang pagbibigay ng bulaklak ni Zach sa akin. Tuwing papasok ako ng room namin makikita ko yung mga bulaklak na nakapatong sa ibabaw ng desk ko. Nag mumukha akong ewan dahil araw-araw nalang may bitbit akong bulaklak. Pwede na nga akong magpatayo ng flower shop dahil dun. Sobrang thoughtful niya pero hindi naman niya ako kinakausap. Ang torpe niya at nakakabwiset! Siya palang yata yung nanliligaw na hindi man lang kinakausap ang nililigawan niya. Duh!

" Skye.. "

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Kilala ko naman kung sino ang may-ari ng boses na yun. Literal na tumaas na ang kilay ko pagkaharap ko kay Nathan. Kapal ng mukha na tawagin ako.

" What do you want? " Walang gana kong tanong sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin yung tinging tiyak na matutunaw ka. Pero wala ng epekto sa akin ang ganyang titig niya. Siguro nung four years ago matindi ang epekto nito sa akin pero ngayon wala na talaga.

" Can we talk? Please.. " Nakakaawa siyang tingnan pero di ako madadala sa mga paawa effect niya.

" Nag uusap na tayo. Bilisan mo na. "

" Not here, somewhere private. " Ang kapal ng mukha nito eh. Gusto pa private talaga.

" Pareho lang naman ang sasabihin mo diba? So sabihin mo na ngayon at naiinip na ako. " Napayuko siya at nung tumingin siya sa akin mababakas sa mga mata niya ang lungkot. Hindi ko alam pero bigla akong naawa sa kanya. Kahit papano may pinag samahan din naman kami nito.

" I'm sorry if i caused you so much pain before. Mahal naman talaga kita noon at mahal parin kita hanggang ngayon. Alam ko ang gago ko dahil nagpagamit ako kay Martina. Hinayaan ko siyang kontrolin ang buhay ko for a long time." Lumapit siya sa akin. Gustong gusto ko ng umalis pero parang napako yata ang mga paa ko at halos hindi ko ito maigalaw.
" I want you back, Skye. I know it took me four years bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumapit sayo. But god knows kung gaano kita kamahal. "

" Stop it Nathan. Tapos na ang lahat sa atin. Ikaw mismo ang tumapos nun ng walang awa. Sa tingin mo ba babalik pa ako sa'yo pagkatapos ng lahat? No! Hindi ako tanga para makipag balikan sa'yo. You have no balls, Nathan. Hinayaan mong kontrolin ka ni Martina at ayoko sa mga kagaya mong madaling kontrolin na parang puppet. Move on Nathan cause i already moved on ages ago. " Tinalikuran ko na siya pero hinawakan niya ang kamay ko na iwinaksi ko naman. Sinayang niya ang pagkakataon na ibinigay ko sa kanya noon. Nasa kanya na ang puso ko pero pinakawalan niya pa. Ang tanga niya na ginawa niya yun at ngayon babalik-balik pa siya sa akin pagkatapos ng apat na taon. Its been four years for fuck sake. He should move on.

" Anong problema mo? " Pasalampak na umupo sa upuan si Alexa sabay nangalumbaba sa mesa.

" Si Nathan kasi.. "

" Oh bakit anong problema sa kanya? "

Sinabi ko kay Alexa ang napag usapan namin ni Nathan. Alam narin naman kasi ni Alexa ang tungkol sa kay Nathan at pati na sa pang iiwan niya sa akin noon.

" Buti nga sa kanya. Bakit kasi may mga taong nagpapagamit sa ibang tao? Ngayong nakamoved on kana saka siya babalik pagkatapos ng apat na taon? Gago ba siya? " Inis na saad ni Alexa. Ganyan din naman ang nasa isip ko kanina. Kung mahal niya ako bakit di niya ako ipinaglaban noon? Kasi ipinaglaban ko siya noon kahit na ipinagtabuyan niya ako dahil mahal ko siya. Pero natuto din ako nun pagkatapos niya akong saktan. Binago ko ang lahat sa akin hanggang sa naging ganito na ako.

" Anong na-miss namin? " Magkasabay na dumating sina Abby at Ayanna. Bitbit nila ang mga tray na may laman ng pagkain nila.

" Nagparamdam nanaman ang ex niya sa kanya. Nakikipag balikan kasi mahal pa daw niya si Skye. " Kwento ni Alexa sa dalawa. Dahil likas din na mataray si Abby kaya ayun nag taas din ng kilay ang loka.

" Wow! So ngayon niya lang na realize na mahal pa niya si Skye after four years? Utot niya! H'wag na siyang umepal pa dahil may nanliligaw na sa bruhang yan. " Sabay turo niya sa akin. Natawa naman si Ayanna dahil sa sinabi ni Abby. " Oh, bakit ka natatawa Ayanna? Nag jojoke ba ako dito? " Biglang taray niya kay Ayanna.

" What? Masama na bang tumawa? " Painosenteng tanong ni Ayanna.

" Ewan ko sayo. Seryoso ako dito kaya h'wag kang tumawa. " Sabay irap niya kay Ayanna.

" May dalaw ka ba? Bakit ang taray mo yata ngayon? " Puna ni Alexa.

" Oo nga, you're so mataray Abby. Kahit ang pagtawa ko pinupuna mo. Whats wrong with you ba? " Dugtong naman ni Ayanna. Nakatingin lang ako sa kanila na animoy wala ako sa tabi nila.

" Wala! " inis niyang sabi. Humarap na siya sa akin sabay pisil sa kamay ko.
" Follow your heart Skye. Tama na yung naging tanga ka sa kanya noon. " Dagdag niya pa. Kung iisipin ko lang ang nangyari noon parang ngayon lang ako nahiya. Nakakahiya na nag makaawa ako sa taong yun para balikan lang ako pero tinalikuran niya pa rin ako. Sinayang niya ang pag mamahal ko sa kanya at mas pinili niya pang saktan ako kesa ang mahalin ako. Now, he got what he deserved.

***

" Hey! Mind if I join you here? " It was Zach. Ngumiti lang ako ng tipid na bihira ko lang gawin sa ibang tao. Either suplada ako or prangka sa kanila. " Problem? Pwede mong i-share sa akin. I'm here to listen. " Mabuti pa si Zach kahit nanliligaw sa akin hindi niya ako pinupwersa na sagutin siya. Hindi ko pa kasi alam kung anong tunay na nararamdaman ko sa kanya. Sana nga makahintay pa siya sa akin hanggang malaman ko na yung tunay kong nararamdaman para sa kanya.

" Wala naman akong problema. Himala at kinakausap mo na ako! " Bigla siyang napakamot sa kanyang batok bilang gesture niya na nahihiya siya. Kung tutuusin mas gwapo si Zach kumpara ky Nathan. Half Filipino half American kasi si Zach dahil yung daddy niya ay American.

" Sorry medyo torpe lang ako. Nakaka intimidate kasi ng presence mo eh. Saka ang taray mo sa mga lalake. " Tumawa pa siya na parang may nakakatawa sa sinabi niya.

" At least aminado ka naman na torpe ka. " Ngumiti ako sa kanya at kasabay nun kinuha niya yung kamay ko. Pagkalapat palang ng balat namin naramdaman ko na naman yung spark na yun. Nanunuot sa kalamnan ko at nagdudulot ng matinding epekto sa akin. God! May gusto na ba talaga ako sa kanya?

Nakahawak parin siya sa kamay ko at nakatingin sa mga mata ko. Pakiramdam ko matutunaw na ako kaya bigla ako nag bawi ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig niyang nakakalusaw ng puso. Mga tinging nagpapalambot ng tuhod mo. Mabuti nalang nakaupo kami kaya hindi ako nanghihina ngayon.

" Skye, i love you. Sana may pag-asa ako sa'yo. Hindi mo kailangang sagutin ako ngayon. Pag isipan mo muna bago ka mag decide. Willing naman akong maghintay eh. I dont want you to rush. Gusto ko handa kana kapag nag decide ka. " At dahan dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Bigla akong kinabahan dahil hahalikan niya ako. Nung gahibla nalang ang layo niya sa akin pumikit nalang ako. Lumapat ang labi niya sa noo ko. Akala ko talaga hahalikan niya ako sa labi ko pero i'm glad na sa noo niya ako hinalikan.
" I told you i am willing to wait. God knows kung gaanong pagtitimpi ang ginawa ko h'wag ka lang halikan sa labi mo. I respect you Skye because you deserve that. " Kasabay nun tumayo na siya at umalis. Naiwan akong nakatulala lang sa kawalan.

-imyourqueen08- 4/2/16

The Goddess  NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon