Chapter 22

591 10 0
                                    

Papunta na ako ng Club Republiq ngayon. Doon na lang kami magkikita na apat  kasi ang hassle pa kung pupunta kami sa bahay ni Abby saka pupunta ng ClubRep.

Abby is calling..

" Hello, I'm on my way now. Nandiyan na ba kayong tatlo? " Naririnig ko na ang malakas na music, siguro na sa labas ng bar pa lang si Abby.

" Yeah, kararating lang din ni Alex. Buti nga wala si Stephen dito. Bilisan mo na dyan. Maraming gwapo dito. " Tili niya  saka inend na niya ang tawag. Hindi man lang ako pinag salita bago pinatay ang tawag. Basta pag dating sa gwapo, nag iiba ang ugali ni Abby. Nagiging malandi ang loka-loka.

Pinark ko na ang kotse malapit sa entrance ng bar para hindi na mahirap hanapin mamaya. Pagbaba ko ng kotse may lalaking lumapit sa akin at aalalayan sana ako pero hindi ko tinanggap ang kamay niya.

" I can manage. Thanks! " Sinara ko na ang pinto at nilock ko na ang kotse. Dali-dali akong nag lakad papunta sa entrance ng bar baka kasi ano pa ang gawin ng lalaki na yun sa akin. Nakakatakot!

Pag dating ko sa loob, hinanap ko ang pwesto nila Abby at hindi naman ako nahirapan na mahanap sila. Nasa malapit sa bar counter sila pumwesto banda.

" Hi guys, nag order na kayo ng drinks niyo? " Nag beso-beso kami as always. Maaga pa lang pero halos mapuno na ang ClubRep ng mga tao. Puro mga taga Branston ang nandito at iilan sa kanila kilala ko sa mga mukha pero hindi sa pangalan.

" Yes, I ordered a bucket of beer.  Mamaya na lang tayo mag add if we want more. " Si Abby ang nagsalita habang sinasabayan ang tugtog. She's wearing a black crop top and paired it with white fitted jeans and stilletto. Wow ha? Hindi prepared ang bruha.

" Oh, nandito na pala ang order natin eh. " Nilapag ng waiter ang isang bucket ng beer. Nauna ng kumuha si Ayana sabay tinungga ang laman nun. Kumuha na rin si Alex at napangiwi ito nung malasahan ang lasa ng beer. Hindi siya mahilig uminom pero dahil kami ang kasama niya malamang at matututo na rin siyang mag lasing. Kinuha ko na rin ang beer at uminom na rin. Ang pait, tang ina. Hindi kasi ako mahilig sa beer mas gusto ko ang tequila kahit medyo hard ng kunti at least mainit sa pakiramdam.

" My dear Skye, nandito ka rin pala? " Boses pa lang nakakairita na. Lumingon ako sa nag salita at inismiran ko siya.

" Martina, you don't own this place. Natural nandito ako para mag-saya. Ikaw, nandito ka ba para manira ng gabi? " Tinaasan ko siya ng kilay ko pero nakangiti lang ang bruha.

" Poor Skye, ikaw ang girlfriend ni Zach pero iba naman ang kasama ng boyfriend mo ngayon. I pity you! " Napatingin ako sa kanya ng diretso at tinatantya ko kung nag sasabi siya ng totoo. Knowing her, mahilig siyang mag imbento ng kwento. But not this time.

" What do you mean by that? " Biglang kumabog ang dibdib ko ng wala sa oras.

" Really? Hindi mo alam na mag kasama yung bagong girl at si Zach? What's her name again? Ah, Natasha. I saw them earlier, papasok sa bar. Sige, Ciao. " Pang aasar niya sa akin saka umalis. Lagi akong may pambara kay Martina but this time naubusan ako ng sasabihin ko. Parang nalunok ko ang dila ko sa mga sandaling ito. Nilibot ko ang paningin ko and there, I saw Zach talking to Natasha while laughing. Nakakainis! Parang gusto kong sumugod doon at hilahin ang buhok ni Natasha. Nakahawak pa talaga siya sa braso ni Zach at ang kupal ko naman na boyfriend enjoy na enjoy naman.

" Hey, are you okay? " Tanong ni Abby sa akin.  " Mukha ka kasing galit na galit. " Dagdag niya pa. Nakatingin pa rin ako sa table nila Zach at tiningnan din nila kung saan ako nakatingin.

" That bitch! " Usal ni Ayana. Nag seselos ako sa eksena na nakikita ko ngayon. May ibinubulong si Zach kay Natasha at ngumingiti naman siya. Ewan ko kung ano ang pinag uusapan nila at mukhang masaya silang pareho.

The Goddess  NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon