CHAPTER 11 - ZACHARY COLLINS -

5.8K 164 19
                                    

ZACH'S POV

" Hoy! Sino ang tinititigan mo diyan? " Tanong ni Zandro sabay upo sa katabi kong bakanteng upuan. " Bro, si Francesca yan ah? Don't tell me.. " Pabitin niyang sabi sa akin.

" H'wag mo ng ituloy ang sasabihin mo Zandro. Dahil ang sagot ko diyan ay hindi. " Defensive kong sabi sa kanya.

" Alam mo Zach, mag sinungaling kana sa iba h'wag lang sa akin. Ang tagal na nating magkakilala at magkaibigan kaya kilalang-kilala na kita mula ulo hanggang paa. " Tinapik niya ako sa balikat ko sabay tawa ng nakakaloko.

" Ewan ko sa'yo! Para kang bakla na maraming alam. " Tumayo na ako at naglakad papuntang Gforce building. Sumunod naman si Zandro sa akin.

" Yung mga tingin mo na yun parang ganyan na ganyan din kapag nakatingin ka kay Skye. Nag iba na ba ang taste mo sa babae dude? " Pang aasar niya pa sa akin. Pero tama siya, lately kasi para akong na chachallenge kay Francesca. Sobrang taray niya kapag ako ang nakakaharap niya. Pero kahit tinatarayan niya ako di ko parin maiwasang hindi mapangiti sa kanya. I find her cute when she's mad. Kaya lalo ko pa siyang iniinis dahil natutuwa ako kapag namumula na siya sa inis. She's interesting and i somehow like her. I like her being herself. Walang kaarte arte sa katawan, walang kinakatakutan at higit sa lahat siya lang ang nerd na kung ibully man ng iba ay hindi din nagpapatalo. That's what make her unique and interesting. " Patay na, may tama na nga ito sa babaeng nerd. " Nagulat pa ako sa biglang pag suntok ni Zandro sa braso ko.

" Gago ka ah! Bakit mo ako sinuntok? " Inis kong sabi sa kanya. Ang sakit ng suntok ng hinayupak na'to.

" Bakit kita sinuntok? Kasi parang ang utak mo nilipad na sa outer space kaya sinuntok kita para bumalik ka sa earth. " Saka siya tumawa ng malakas. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako.

" Oh, anong nangyari diyan? " Tanong ni Zander kay Zandro na kararating lang.

" Inlove yan bro, binata narin sa wakas si Collins. " Zandro

" Naks! Congrats dude, and who's the lucky girl? I'm sure super ganda at sexy niyan gaya ni Skye. " Zander

" Maswerte talaga dude, Francesca Salvatore ang babaeng nagugustuhan ni Zach. " Nakakalokong tawa ang pinakawalan ni Zandro pagkatapos niyang sabihin yun kay Zander. Tinapunan ko naman siya ng nakakamatay na tingin.

" What. The. Hell? Seryoso ba si Zandro, Zach? " Hindi makapaniwalang tanong ni Zander sa akin. Tumango lang ako bilang sagot. " Shit dude! Inaasar pa natin yun tapos nahulog ka pala dun? " Zander

" Pag-ibig nga naman, wala talagang pinipiling tao. All is fair in love. " Zandro

Binato naman ni Zander si Zandro ng throw pillow pero nakailag naman ang huli.

" Baduy mo Zandro! " Sigaw ni Zander kay Zandro. Natatawa ako sa dalawang ungas na kasama ko.

" Seryosong usapan Zach, kahit gasgas na ang linyang 'to sasabihin ko parin sa'yo. Kung saan ka masaya dude, susuportahan ka namin ni Zander. Parang kapatid na ang turingan natin sa isa't isa kaya kung saan ka masaya, masaya narin kami para sa'yo. " Zandro

" Tama si Zandro, pero tama na itong drama na'to nakakabakla eh. " At napuno ng tawanan ang Gforce building.

***

Sinusundan ko si Francesca at nakita ko na papunta siya sa kabilang side ng Branston kung saan ang stock room located. Anong gagawin niya sa stock room? Mangilan ngilan lang ang mga tao dito dahil hindi naman ito pinupuntahan ng mga estudyante. Binuksan niya ang pinto ng stock room at biglang bumuhos ang pulang likido sa ulo niya.

The Goddess  NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon