Chapter 27

567 8 0
                                    

Ang sakit ng ulo ko pagkagising ko kinaumagahan. Sa susunod hindi na talaga ako iinom, kunti na lang iinumin ko. Bumaba ako at dumiretso sa dining table para kumain at nadatnan ko si Stephen na kumakain.

" Yan kasi, iinom inom hindi naman pala kaya. " Bungad sa akin ni Stephen. Pakialamero talaga ito.

" Tatay ba kita? Ang aga aga nambubwiset ka. " Angil ko sa kanya.

" Kalma! Kamusta ang party? Balita ko may tinarayan ka na naman dun. " Napalingon naman ako sa kanya. Paano niya nalaman? " My source ako dun. " Source my arse.

"Pakisabi sa source mo tantanan niya ako. Tsismoso! " Napasimangot ako sa kanya. Binabantayan niya talaga ako kahit wala siya dun.

" Bilisan mo na dyan may pasok tayo. Isasabay kita sa pagpasok. "Aba, himala na nag offer ang mokong na to na isasabay ako sa pagpasok. Lumapit ako sa kanya at kinapa ang noo niya pero tinabig niya ito.

"May sakit ka ba? Himala na ikaw pa nag offer na isabay ako. Anong nakain mo? "Ngumuso naman siya sa akin.

" Ayaw mo? Bahala ka dyan. Mag drive ka ng kotse mo. Nag boluntaryo na nga ako na isabay ka tapos ganyan ka pa sa akin. " Reklamo niya.

"May sinabi ba akong ayaw ko? Ang daldal mo sa akin pero pagdating kay Alex ang torpe mo naman. " Yung busangot niyang mukha mas lalo pang naging busangot. Kulang na lang lamunin niya ako ng buhay.

"Bahala ka sa buhay mo. " Tinalikuran na niya ako. Pikon talaga ang isang to.

" Hoy, Stephen teka lang. Sasabay ako sayo pagpasok sa school. " Tuloy tuloy lang siya sa paglakad at hindi na ako pinansin. Bago pa siya makapasok sa kwarto niya hinarang ko na ang pinto.

"Umalis ka nga dyan. " Tinabig niya ako. Ang sungit talaga ng mokong na to.

"Bahay ko to kaya may karapatan ako sa bawat anggulo nito. " Napakamot siya sa ulo niya sa inis. Gusto kong matawa sa ichura niya pero pinigilan ko. Baka lalong mabwisit ang isang to sa akin.

"Magbihis ka na dun. After 10minutes aalis na ako. " Pinagtabuyan na niya ako saka pumasok siya sa kwarto niya. Dali dali naman akong pumunta sa kwarto ko. Sampung minuto lang ang ibinagay sa akin na oras ni Stephen. Matatapos kaya ako on time? Bruho talaga kahit kailan.

Pag dating ko sa baba nandun na siya sa kotse niya. Ang lapad ng ngiti ng hinayupak. Pasalamat siya tinatamad akong mag drive ngayon kaya gusto ko sumabay sa kanya.

" Kaya mo naman pala mag bihis ng sampung minuto lang eh. " Tumawa siya ng malakas.

"Fuck you! Sasabihan ko si Alex na bastedin ka. "Gigil na gigil ako sa kanya. Hindi na ako naligo at agad akong nag palit ng damit ko. Halos ipaligo ko na ang perfume ko dahil sa kagagawan ng kumag na to.

" Alam mo may pasok ka kinabukasan nagpakalasing ka kagabi. Naaalala mo pa ba kung paano ka nakauwi kagabi? "Napaisip naman ako bigla. Sa totoo lang hindi ko na matandaan kung paano ako nakauwi ng bahay kagabi. Alam ko na si Abby ang nakatoka na mag drive pero hindi ko alam kung nalasing din ba siya? Fuck!

" See? Hindi mo maalala no? Pasalamat ka may source ako na naghatid sayo dito sa bahay. " Tangina! So hindi si Abby ang nag hatid sa akin pauwi kagabi?

"Who' s that fucking source, anyway? Bukambibig mo yan lagi. Sino ba yan? At paano niya napapayag si Abby na ihatid ako dito sa bahay? "Wala talaga akong matandaan kagabi. Ang huling alaala ko lang yung pag walk out ni Zach at pagkatapos nun uminom na ako ng uminom.

"Lasing din si Abby at Ayana kagabi. Hinatid sila ni Zander sa bahay ni Abby. Kailan pa bumaba ang tolerance mo sa alcohol, Skye?" Napatanga ako sa sinabi ni Stephen. Si Abby nalasing? She knows that she is not allowed to get drunk.

The Goddess  NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon