Chapter 26

583 13 0
                                    

It's been  two weeks nung magising si Zach at yun din ang huling kita ko sa kanya. Hindi na ako bumalik sa ospital after that incident.

Nasa parking lot ako ng school ngayon. Kararating ko lang actually pero may nakita na akong demonyita papalapit sa kinaroroonan ko.

" Balita ko may amnesia boyfriend mo and of all people na pwede niyang makalimutan, ikaw pa talaga na girlfriend niya." Nang uuyam na sabi ni Martina. My god! Ang aga aga para mambwiset ng bruhang to.

" Does it bother you? Di ba ayaw mo akong maging masaya kaya ginagawa mo ang lahat para asarin lang ako. But girl, I don't give a fuck! " Iniwan ko na siya after ko na sabihin yun. Galit ako sa kanya dahil wala na siyang ginawa kundi sirain ang araw ko but I will not give her any satisfaction.

Pagkapasok ko sa classroom namin nandun na si Zach. I caught him staring at me. I did not look back. Dumiretso lang ako sa upuan ko at nag lagay ng headset since wala pa naman yung prof namin. Nilapitan ako ni Zander at kinuha ang isang earpiece at nilagay sa tenga niya.
Tiningnan ko siya ng masama pero binalewala lang nya yun.

" I want to know what kind of music you are into. "Bwiset na to, nag eenglish na naman di naman bagay sa kanya. Grr.
Tinanggal ko ang earpiece ko sa tenga at tinodo ko ang volume ng cellphone ko. Agad naman niya tinanggal ang earpiece sa tenga niya. Tumawa naman ako dahil sa reaksyon niya.

"Serves you right. " Kinuha ko yung earpiece sa kanya at binalik na ito sa bag ko.

"Ang sama mo talaga. Zach is watching us. Kung gusto mo na bumalik alaala niya sayo, please cooperate. "Bulong niya sa akin. Pasimple naman akong lumingon sa gawi ni Zach and true enough, I caught him staring. Blanko pa rin ang mukha pero nakatingin lang siya sa amin.
"I told you. "Bulong ulit ni Zander. Tinulak ko naman siya pabalik sa upuan niya dahil hindi lang si Zach ang nakatingin sa amin kundi buong klase na.

" Doon ka na nga sa upuan mo, pinag titinginan na tayo ng mga tsismosa nating mga kaklase. " Angil ko sa kanya. Tiningnan ko naman ng masama ang mga echosera kong classmate.

Wala kaming pasok dahil absent ang prof namin sa isang subject, nasayang ang oras ko dun kaya lumabas na ako ng classroom at pumunta na ng cafeteria. Nasa akin na naman ang atensiyon ng mga estudyante pero sanay na ako. Kinawayan ako nila Abby at pumunta naman ako dun sa table nila.

"Kamusta ang pagkikita niyo ni Zach? " Bungad niya sa akin.

" Hindi niya ako pinansin, so I did the same thing. " Walang gana kong sabi sa kanya.

" What? Anong nangyari sa sinabi mo last week na ipaalala ko sa kanya na nag eexist ako sa buhay niya? Akala ko ba mahal mo yun? Bakit wala kang ginagawa to make him remember you? " Sermon niya sa akin. Kung minsan talaga hindi ko alam kung kaibigan ko si Abby or Mommy ko kasi dinaig pa niya parents ko kung manermon sa akin.

"I'm doing it. Ang hirap lang kasi kahit sobrang lapit niya sa akin pakiramdam ko milya milya ang pagitan naming dalawa. Ni ayaw nga akong kibuin eh. " Akala ko madali lang na tulungan siyang makaalala pero hindi pala. Back to zero kaming dalawa ngayon.

" They're here with the bitch. " Bulong ni Ayana sa akin. Tumingin ako sa gawi nila na sana hindi ko na lang pala ginawa, nakita ko na mag kahawak kamay silang dalawa ni Natasha. Nag titimpi ako sa galit ko dahil iniisip ko na may amnesia siya.

Then he suddenly cupped her face and kissed that bitch right there, in front of so many people and in front of me. Napatayo ako bigla dahil sa nakita ko. Nagpupuyos ako sa galit, i feel betrayed and cheated on despite the fact that he is not in his proper mind. Pinaupo ako ni Abby at pinaharap sa kanya.

" Don't do it. Not worthy of your time." Pang aalo niya sa akin. But I can't let this pass without getting my revenge.

" You know me, Abby. I will not just sit around watching them flirting in front of me. I am his girlfriend and I have all the fucking right to get angry. " Pinipigilan pa nila ako pero nakatayo na ako at pumunta sa table ng Zion. Nakabuntot naman ang tatlo sa akin.

The Goddess  NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon