CHAPTER 18

978 18 0
                                    

SKYE'S POV

Halos pigil hininga ako habang sinasabi ni Zach yun sa akin. Aminado akong kinilig ako sa kanya. Sino ba naman ang hindi diba? Nasa kanya na ang lahat pati na yung mga katangiang hanap ko sa isang lalake. Gusto kong bigyan ng chance yung sarili ko na mag mahal ulit, at gusto kong maexperience yung feeling na ako naman ang pinapahalagahan ng taong mahal ko. Pero natatakot parin ako na baka maulit muli yung nangyari apat na taon na ang nakalipas.

"Skye, para kang ewan jan. Nakangiti ka tapos nakatingin sa kawalan. Nakakabaliw talaga ng pag ibig. " Napapailing na lang si Abby sa akin. Ano bang magagawa ko, eh kinikilig pa rin kasi ako sa mga sinabi ni Zach sa akin?

" Dapat ko na bang sagutin si Zach? Nakikita ko naman na sincere siya sa panliligaw niya sa akin. Ayoko naman na maging heartless sa kanya. " Hindi naman ako heartless ang totoo nga niyan may gusto na talaga ako sa kanya.

" Bakit ako ang tinatanong mo? Kung mahal mo na siya edi sagutin mo. I just want to see you happy, Skye. " sabi niya sabay hawak sa aking kamay.
Kaya nakapag desisyon na akong sasagutin ko na si Zach kapag nag tapat na siya ulit sa akin. I want to give myself another chance to be happy again in love.

Nasa mall kami ngayon kasama ko sila Abby at Ayana. Wala si Alex dahil niyaya daw siyang mag date ni Stephen. Mantakin mo yun, yung pinsan ko na chickboy ngayon sumeseryoso na sa isang babae. Kung dati siya ang hinahabol ng mga babae, ngayon naman siya ang humahabol sa isang babae.

Biglang nag ring ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung sino ang tumawag. Si Zach lang pala at nakailang misscalls na siya. Kaya nung nag ring ulit ay sinagot ko na ito agad.

" Zach, napatawag ka? " tanong ko sa kanya. Medyo kinakabahan pa ako dahil si Zach yung kausap ko. Parang my kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko ng mag salita si Zach.

" Nasa mall ka ba ngayon? Maingay kasi ang background mo eh. "
Tanong niya sa akin. Sinabi ko sa kanya kung saang mall kami at sinabi niyang pupuntahan niya kami dito. Mas lalo akong kinabahan dahil pupunta siya kung na saan man ako.

" Girls, pupunta si Zach dito. O-okay lang ba sa inyo? " kailan pa ako natutong kabahan? To be honest, parang gusto kong tumakbo sa banyo ngayon at mag suka doon. Na eexcite ako na kinakabahan at the same time.

" Okay lang naman. Eh, bakit parang di ka mapakali diyan? Si Zach lang yun relax. Masyado ka ng obvious sa feelings mo para sa kanya. " natatawang sabi ni Abby.

" Oo nga Skye, why are you so tensed? Chill, it's just Zach. Sa dami ng mga boys na nagkakagusto sayo ngayon ka pa kinabahan? Haha. "
Niyaya ko silang pumasok sa isang shop ng mga damit. Namili kami ng mga bagong labas na mga dress para mawala sa isip ko si Zach and it really help. After namin mamili nag decide kaming kumain since medyo matatagalan pa si Zach makarating sa mall dahil sa traffic. Weekend kasi ngayon kaya maraming mga tao ang nasa labas plus Ber months narin kaya super traffic na talaga.

" Hi Skye, hindi ko inaasahan na makikita kita dito. Of all places, dito pa talaga? " Martina and her gang is here. So friends narin pala sila ni Sandrea the bitch? Sabagay, birds with the same feathers flock together ika nga nila.

" Oh please Martina, save your rants. Wala akong panahon sayo ngayon. Now, will you excuse us? Dadaan kami at nakaharang kayo sa daanan namin. " I'm not in the mood to face Martina, not now. Kaya nilagpasan ko na sila kahit nakaharang pa sila sa daanan ko.

" Alam mo Skye, bastos ka rin eh no? Kinakausap pa kita pero tinalikuran mo ako. Ganyan ka ba maki harap sa bestfriend mo? " Biglang nag panting ang tenga ko sa sinabi ni Martina. Ang kapal ng mukha niya.

The Goddess  NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon