Chapter 29

600 10 0
                                    

SKYE'S POV

" Skye, what happened to you last night? " Nasa theater room ako ngayon kasama si Stephen, we watched movies as our way of bonding.

" I broke up with him. " Sabi ko sabay Kuha ng popcorn at nilagay ko yun sa tabi ko dahil uubusin na naman nya ito kung nasa tabi niya lang ang lalagyan.

Napalingon siya sa akin nang marinig niya ang sinabi ko. " What? Akala ko ba mahal mo yun?"  Umandar na naman ang pagiging tsismoso niya.

" Paki mo ba? Diba nga una pa lang ayaw mo na sa kanya. I should've listened to you before." Inirapan ko siya. Nag focus na ako sa pinapanood ko, pero paano ka ba makapag focus kung sobrang maingay at madaldal ang kasama mo?

"But Zach is a different case. He lost his memory, your memories together. Instead of breaking up with him, you should've at least tried your best to bring back his memories. Hindi yung sumuko ka na lang agad. " Sinermonan niya ako na akala mo siya ang tatay ko.

Minsan talaga gusto kong magsisi na pumayag ako na nandito siya sa bahay nakatira. He invaded my privacy already. Damn playboy.

" You talked too much, Stephen. " Napailing ako sa sobrang daldal niya. Dinaig niya pa ang babae. Kung hindi ko lang siya pinsan, sinipa ko na siya palabas ng bahay ko.

"Buhay mo yan Skye, concerned lang naman ako sayo as your cousin. " He patted my head and He went out of the theater room.

Naiwan akong mag isa sa theater room. I was just staring at the screen but my mind is somewhere else. Naguguluhan ako sa naging desisyon ko but that was the right thing to do. Ayoko mag invest ng sobra sa feelings ko tapos bandang huli hindi din pala kami magtatagal. Okay nang hiwalayan siya kesa kami pa rin pero iba naman ang kinikilala niya na girlfriend. I don't like that. Ayoko na lumabas na 3rd party kahit na ako ang tunay na girlfriend. I don't like complicated life. That's not what I envisioned my life would be.

***

NASA cafeteria ako at kumakain ng lunch ko habang hinihintay ang tatlo. May klase pa sila at nauna na akong lumabas ng classroom dahil hindi ko matagalan na makasama sa isang lugar si Zach at Natasha. It was suffocating. I was browsing my phone when suddenly someone dropped the book on my table. I looked up and saw Ethan grinning at me.

" You don't mind if I sit here, right? " Bago pa ako makaprotesta nakaupo na siya sa kaharap ko na upuan. I raised my brows.

"What's the point asking me if you already occupied the seat before I replied to you? " Pagtataray ko sa kanya. Tila hindi naman siya apektado sa pagtataray ko.

" Grabe ka pala pag lasing ka. " Sabay iling niya.

Bigla naman akong nanliit dahil sa sinabi niya. I wasn't aware of what I did when I was drunk. Sana lang wala akong ginawang kahihiyan sa harap niya.

" Thank you nga pala sa pag hatid sa akin sa bahay last time. " Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. He just grinned.

" Wala yun, ang mga kasama mo kasi lasing na din kaya hindi ka na ma ihatid sa inyo, so I volunteered. " Nakatingin pa din siya sa akin na animoy may nakakatawa dahil di mawala ang ngiti niya sa labi.

"Stop staring, Ethan. That's rude. " Kinuha ko ang pineapple juice ko at uminom ako para mawala yung awkward na pakiramdam.

"Kailan pa nahiya ang isang Skye sa harap ng ibang tao? " Ngayon lang din, gusto ko sanang sabihin yan pero hindi ko tinuloy.

" Wala naman akong ginawang nakakahiya nung ihatid mo ako diba? "Tanong ko sa kanya. Just making sure na matino pa akong babae kahit lasing ako.

Umiling naman siya. " You were behave that time. I like you that way. " 

The Goddess  NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon