Chapter 31

611 11 0
                                    


SATURDAY!
Maaga pa lang nandito na sa bahay ang tatlo. Natutulog pa ako pero binulabog na nila ako. I checked my wall clock at 7:30am pa lang. What the heck!

"Skye, wake up! " May humila sa comforter na nakabalot sa katawan ko. Nakakainis!

" Abby Ruth, ang aga aga bakit nandito na kayo sa bahay? " Sigaw ko sa kanya. Medyo groogy pa ako at namamaos pa ang boses ko.

" Ilang beses ko bang sabihin sayo na ayaw ko na tinatawag ako sa buong pangalan ko, Francesca! " Napasimangot ako pagkarinig ko ng buong pangalan ko. Nahagilap ko ang unan sa gilid ko at tinapon ko iyon sa kanya at sakto na tumama iyon sa mukha niya. Napahiyaw naman siya.

" You deserve that. Next time na gigisingin mo ako ng ganito ka aga hindi lang iyan ang gagawin ko sayo. " Bumangon na ako sa kama at nag inat ng katawan. Pumunta ako sa banyo para mag toothbrush at mag hilamos. Bumaba naman  si Abby sa sala at doon na ako hinintay.

Pagkatapos ko mag ayos ng buhok ko bumaba na ako. Nakahanda na ang kape ko sa table kaya kinuha ko na ito. Nakaupo na ang tatlo at kumakain ng breakfast sa dining table.

"Wow ha! Dito pa kayo nag breakfast sa bahay. Wala kayong pagkain sa inyo? "I said in a sarcastic way. Inirapan lang nila ako at itinuloy ang pagkain.

"Pupunta tayo ng salon today. Makeover naman tayo para fresh tayo sa party mamaya. " Tili ni Abby. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ang landi talaga niya kahit kailan.

"Kaninong party ba ang pupuntahan natin at bakit hindi ako aware na may party ngayong gabi? Wala naman akong naalala na may birthday sa mga kilala ko. " Nagkatinginan silang tatlo pero wala silang sinasabi sa akin. Pinili ko na lang ang manahimik kung ayaw nilang sabihin sa akin 

" Ang dami mong tanong bruha ka. Malalaman mo din naman yan mamaya eh. "Umirap si Abby obvious na may tinatago siya. Hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi ko malaman na may tinatago siya. Pero hindi ko lang alam kung ano iyon.

" Fine, hindi na ako magtatanong but make sure na hindi ako magagalit mamaya sa party na yan. And one more thing, you will pay for my  makeover later. " Kumindat ako sa kanya at gusto niya pa sanang mag protesta pero tumalikod na ako at pumunta na sa kwarto ko para magbihis.

PAPUNTA na kami ng Mall ngayon at si Alex ang driver namin for the first time. Medyo nakakatakot mag drive ang bruha dahil first time niyang mag drive sa highway. Ano ba kasi ang pumasok sa isip ni Abby at pinag drive niya si Alex?

" Alex, just make sure na makakarating tayo ng Mall na buo pa at walang gasgas. " Shutang ina kasi itong si Abby biglang tinamad mag drive. Nag preno naman bigla si Alex at kung hindi lang ako naka seatbelt baka tumalsik na ako sa unahan. " What the fuck, Alex. Kung gusto mong magpakamatay, please lang huwag mo akong idamay. Sigurado ka na kaya mong mag drive? " Ang sama ng tingin ko sa kanya. Pero tumatawa lang siya na parang baliw.

" Relax Skye, trust me I can do this. " Mayabang niyang sabi sabay ngumisi ng nakakaloko.

" Alex, stop the car. I'll be the one to drive. Gusto ko pang mabuhay at makita ang future husband ko no. " Biglang singit ni Ayana.

Pigil hininga ako sa driving skills ni Alex. Dinaig pa ako sa buwis buhay na pag drive niya. As in literal na buwis buhay dahil hindi pa naman siya nakapasa sa driving lessons niya pero heto na nga at pinag drive pa ni Abby.
Tawa nang tawa naman si Alex sa mga reaksyon namin. Si Abby di maipinta ang mukha dahil sa ginawa ni Alex. She should've known better.

" Hey, are you guys okay? " She smiled apologetically.

" Okay naman ako pero bawal ka nang mag drive habang hindi ka nakapasa sa driving lessons mo. " Tumingin na ako sa harap at umayos ako ng upo.

The Goddess  NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon