Chapter 41

845 11 3
                                    


Simula noong inanunsiyo ni Zach na liligawan niya ako ulit ay wala nang palya ang pagbibigay niya ng bulaklak sa akin. Araw-araw hatid-sundo niya ako kahit out of the way ang bahay ko. Hindi siya nagrereklamo sa akin na minsan late na siya nakakauwi sa bahay nila. Alam naman ni tita Zeny na nililigawan ako ulit ni Zach at tuwang-tuwa naman siya sa nalaman. Boto siya sa akin para sa anak niya. Aba, ano pa ba ang hahanapin niya sa akin? Package deal kaya ako. Nasa akin na ang lahat ultimo ang pagiging mataray. Lahat natutuwa sa muling pagkakamabutihan namin ni Zach pero dinadahan dahan lang muna namin ang lahat. Hindi naman kami nagmamadali at mas lalo pa namin na mas kinikilala ang isa't isa.

Mabilis lumipas ang panahon at ngayon nga ay busy kami sa pag rereview dahil final exam na namin. Hindi na rin muna kami gumagala at pumupunta ng ClubRep. Mas pinagtutuunan ko ng pansin ang pag-rereview ko.

Nandito kami ngayon sa cafeteria ni Zach. Nag rereview habang kumakain. Wala sina Zandro at Zander dahil nag rereview din sila sa library. Mantakin mo iyon? Si Zander na ubod ng kulit nagiging seryoso pag exam na ang usapan. Takot lang nila na bumagsak sa exam.

Ngayon ko napatunayan na hindi lahat ng mukhang maloko ay hindi seryoso sa buhay. Kadalasan sila pa iyong pinaka seryoso pagdating sa mga priority sa buhay and Stephen is one of the living proof.

Si Alex, tinanggap na ang katotohanan na hanggang doon na lang sila ni Stephen. Kahit masakit iyon para sa kanya buong puso niya itong tinanggap. Mahal niya si Stephen kaya siya nagparaya. I admire both of them for being brave. Brave enough to let go of each other kahit mahal pa nila ang isa't isa.

Kung magbiro naman kasi ang tadhana itinataon niya talaga kung kailan going smooth na ang lahat. Kung kailan masaya at komportable na ang isa't isa. Nakakatawa na nakakainis lang kasi hindi pa man nagsisimula ang kwento ng pag-ibig nina Stephen at Alex ay nagtapos na ito agad. Ito talaga iyong sinasabi nila na kapag nagbiro ang tadhana, expect the worst kasi dudurugin ka talaga nito.

Parang katulad lang sa nangyari sa amin ni Zach. Sinubok din kaming dalawa ng tadhana. Sinubok kung gaano katatag ng relasyon at pagmamahal namin sa isa't isa. Akala ko matatag na ang pundasyon ng relasyon namin pero mali ako. Dahil sinukuan ko sya kung kailan kailangan niya ng pag-uunawa ko. Kung kailan kailangan niya ako para ipaalala sa kanya ang mga bagay na nakalimutan niya saka naman ako lumayo sa kanya. Naging mahina ako kung kailan kailangan na maging matatag ako para sa kanya. Imbes na unawain siya ay sinabayan ko ang kawalan ng memorya niya sa akin.

Maswerte pa rin ako dahil sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa buhay ko, nandito pa rin ako. Nasa tabi ko pa rin si Zach kahit hindi pa kami nagkabalikan pero at least sigurado na ako sa sarili ko na sya talaga ang gusto ko at wala ng iba pa.

" Why are you smiling? " Hindi ko alam na habang iniisip ko ang tungkol sa aming dalawa ay nakangiti na pala ako. Mahal ko nga ang lalaki na to. He is the reason why I am smiling. 

" Wala naman, iniisip ko lang na malapit na pala ang graduation natin. " Ayaw ko na sabihin sa kanya ang totoo dahil for sure magyayabang na naman siya sa akin. 

Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop ito sa kamay niya. Gumapang ang daloy ng kuryente na lagi kong nararamdaman sa tuwing magkalapat ang mga balat namin.

" I love you, Skye. Handa akong maghintay kung kailan mo ako tatanggapin ulit. Just promise me that whatever happens you won't give up on me and you won't give up on us. " Pumatak ang luha sa mga mata ko. Agad niyang pinunasan ng kanyang palad ang luha sa pisngi ko. God, I really love him so much. This guy in front of me just stole my heart a few months ago. Kahit naghiwalay man kami noon nasa kanya pa rin ang puso ko. Siya pa rin ang tinitibok nito.

" I love you, Zach. " Dinukwang niya ang pagitan namin at niyakap ako nang mahigpit. I couldn't stop myself from crying. Ah, this is tears of joy. After all the pains that I had been through, I deserve this happiness. I still deserve him for the second time. We both deserve each other.

Hindi ko na alintana pa ang mga taong nakapaligid sa amin. Ito yung moment na you don't give a shìt kung ano man ang iisipin ng ibang tao. All I care about is just us.

I heard people clapping their hands. Everyone is cheering for us. Tumingin ako sa paligid at napapalibutan kami ng ibang mga estudyante. Lumapit ang Zion sa amin at ganun din ang tatlong mga Dyosa. Happiness is plastered on their faces.

" Finally, you guys are back together. I'm so happy for both of you. " Isa si Abby sa naging masaya nang malaman niya na nanliligaw ulit si Zach sa akin.

She kept telling me to get back with him. Kaya hindi ko na pinatagal pa ang panliligaw ni Zach. I was just waiting for that right moment and earlier was the right moment. It was a magical moment wherein there's no magic involved. It's just Love.

" Naks, FranZach for the win, " Sigaw ni Zander. Ang pinaka maingay sa lahat. He is really something. A friend to keep indeed. Kahit maingay pero he knows how to cheer you up when you're down.

Bumalik na sa kanya-kanyang pwesto ang mga estudyante at kami naman balik pag-rereview ulit. Hindi na pinakawalan ni Zach ang kamay ko kahit nangangalay na ako sa paghawak sa kanya. Akala mo naman mawawala ako sa tabi niya. Bigla naman naging seryoso ang mukha ni Zach na ikinataka ko naman.

" Skye, patabi ha. " Lumingon ako kay Ethan. Kaya naman pala biglang naging seryoso ang mukha ni Zach dahil pala kay Ethan.

Itinaas ko naman ang kamay ko na naka intertwine sa kamay ni Zach. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at inilahad niya ang kamay niya kay Zach. Nag aatubili pang tanggapin ni Zach ang pakikipag kamay ng isa pero sa bandang huli tinanggap din niya ito.

" Congrats Pare, don't worry magkaibigan lang talaga kami ni Skye. "  Umaliwas ang kanyang mukha nang ma confirm niya na magkaibigan lang kaming dalawa ni Ethan. At para namang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Zach dahil doon.

" Pinagseselos ka lang ni Ethan noon pero hindi talaga kami talo niyan. " Kausap ko si Zach at nakatalikod ako kay Ethan kaya hindi ko nakikita ang mukha niya.

" Hoy, baka kung anong isipin nila sa sinabi mo. Kaibigan lang talaga kasi ang turing namin ni Skye sa isa't isa kaya hindi pwedeng mag cross sa line na iyon. " Ngumiti ako kay Ethan. Yes, he is a good friend. A true friend that is hard to find nowadays. Bihira ka na lang makahanap ng kaibigan na hindi mag-take advantage sayo bilang babae. I'm just lucky I found Ethan.

EXAM DAY! Lahat kami seryoso sa pag rereview bago magsimula ang exam. Si Zander na maingay kadalasan biglang nanahimik at nagbabasa ng kanyang mga notes. Nakaka pressure naman talaga kapag final exam na tapos graduating student ka pa. Hindi ako relihiyosong tao pero sa mga oras na ito panay ang dasal ko na sana magawa kong masagutan lahat ng mga tanong sa exams ko.

Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko si Zach na seryoso sa kanyang binabasa. Ni hindi man lang tumitingin sa akin kaya natahimik na lang ako at nagbasa na rin ng notes ko.

Pag sapit ng break time saka lang ako nakahinga ng maayos. Pakiramdam ko nagutom ako ng husto.

" Mababaliw ako sa finals natin. " Nakakunot noo akong tiningnan si Abby. By the looks of her, obvious na mababaliw na nga siya. Nakasimangot ang mukha at parang pasan niya ang mundo. Nakapangalumbaba siya sa mesa na parang gusto nang matulog. 

" Ngayon ka pa talaga nag reklamo kung kailan malapit ka ng mag graduate." Inirapan niya ako pero sanay na ako sa kanya. 

Kahit sobrang hirap ng exams namin alam ko this too shall pass. Sa dami na ng pinagdaanan ko sa buhay ngayon pa ba ako susuko? I've been through hell at nalagpasan ko iyon, ito pa kayang exams na walang wala ito kumpara sa mga pinagdaanan ko.

Huminga ako ng malalim at this time wala na ang bigat sa puso ko. Siguro dahil natutunan ko na tanggapin ang katotohanan na hindi sa lahat ng oras puro lang pagsasaya ang mararanasan mo sa buhay. Ilalagay ka din sa sitwasyon na masasaktan ka ng sobra at dudurugin ka ng pinong-pino. Pero hindi  naman tayo bibigyan ng malaking pagsubok ni God kung alam Niyang hindi mo kakayanin. Ngayon alam ko na kung bakit ko pinagdaanan lahat ng iyon dahil sa bawat pagsubok na dumurog sa akin ng sobra, mas lalo pa akong naging matatag at naging matapang na harapin kung ano man na pagsubok ang darating sa hinaharap.

The Goddess  NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon