Maria Lynvern Peñero
08:21 PM
Maria Lynvern: Hi JK 😍😍😍
Maria Lynvern: Kamusta ka ba bebewaps?
Maria Lynvern: Grabe kaka-debut mo pa lang pero Sold Out King ka na 😭😭😭
Maria Lynvern: Para kailan lang napakasimple mo lang na tao pakain kain lang ng fishball sa kanto habang nainom ng malamig na malamig na coke
Maria Lynvern: Ngayon ikaw pa oofferan para makapag endorse ka ng produkto nila
Maria Lynvern: Sobrang proud ako sayo bebewaps 😘 nandito lang ako lagi for you. Susuportahan kita sa lahat ng magiging project mo.
Maria Lynvern: Ako ang magiging number one fan ng buhay mo.
Seen. 08:44 PM
08:45 PM
Pwede ba Mia tigilan mo na ko?
Sawang-sawa na ko sa kakakulit mo.
Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan sa buhay maliban sa sundan ako?
Maria Lynvern: Syempre bebewaps ito na ang chance ko para mapatunayan sayo na handa akong ipaglaban ka
Maria Lynvern: Kahit mga bashers mo patutumbahin ko para makita nila kung sino kinakalaban nila.
Hindi ka ba nahihiya?
Kababae mong tao?
Mari Lynvern: Kung maka-arte naman to si JK akala mo di naging patay na patay sakin
Maria Lynvern: Baka nakalimutan mo na kung paano mo ko hinabol habol noon. Wag ka mag-alala nandyan lang ang future para sa ating dalawa
Maria Lynvern: Ako naman hahabol sayo JK bebewaps.
Noon yun Mia
Hindi na ko pareho ng dati
Ayoko Mia
Tumigil ka na
Ayoko na makita ka
Wag ka na pumunta sa mga concert na magpe-perform ako
Hindi ko kailangan ng suporta mula sayo