Trigger Warning: The following content may not be suitable for some audiences. It will contain a traumatic and/or past experience that may trigger emotions, thoughts and reactions that may be disturbing for your health. Strict guidance is strongly advised. Be cautious!
Read at your own risk.
———————————-
Maria Lynvern Peñero
07:37 PM
Are you ready to talk to me?
My friends are coming over.
Gusto mo bang wag ko na sila patuluyin?
Maria Lynvern: Nakakahiya naman kung di mo sila papapuntahin.
Bakit sila iintindihin ko?
Maria Lynvern: Yes I do 😭😭😭
Ano?
Maria Lynvern: Ay akala ko kinakasal na tayo kaya sabi ko I do.
Mia magseryoso ka muna
Anong nangyari nung nakaraan?
Bakit bigla kang nawala?
Maria Lynvern: Namiss mo ba ko bebewaps?
Tumigil ka nga
Nag-aalala kami sayo tapos ikaw puro kalokohan pa rin
Maria Lynvern: Mas gusto mo bang umiiyak ako?
Maria Lynvern: Gagi ka ngayon na nga lang ulit ako naging ganito gusto mo pang mag-breakdown ulit ako
Maria Lynvern: Break it down yow!
Ewan
Maria Lynvern: Nag-aalala ka ba sakin bebewaps? 🥺🥺🥺
Magtatanong ba ko kung hindi?
Dalawang linggo mo kaming hindi kinausap.
Kung hindi pa ko nagpunta sa Baguio, hindi ko pa malalaman na hinimatay ka. Bakit mo ginutom ang sarili mo?
Ang sabi ng kapitbahay niyo, nakita ka rin na muntik ng masagasaan nung nakaraan.
Nagpapakamatay ka ba?
Maria Lynvern: Bebewaps 😭😭😭
Maria Lynvern: Kasi nagsunod-sunod problema sa amin. Naaksidente yung tito ko. Na-hit and run siya. Walang pambayad sa ospital yung mga anak niya dahil matumal ang bentahan ng mga gulay ngayon. Tapos inatake si lola. May problema daw sa puso niya kailangan maoperahan agad kung hindi baka hindi na siya magtagal
Maria Lynvern: Namomroblema sila mama kung saan kami kukuha ng malaking halaga para sa operasyon ni lola at pambayad sa ospital ng tiyuhin ko. Stress pa ko sa school kasi may mga kailangan akong i-submit na proj 🥺 kailangan ko gastusan, wala na nga akong pagkunan? Saan ako maghahagilap ng panggastos ko di ba mukha lang akong strong pero pagod na pagod na rin ako.
Maria Lynvern: Nung muntik na daw ako masagasaan, wala na talaga ko sa sarili ko. Hindi ko na alam kung paano pa kong makakatulong kanila mama. Baka makadagdag lang din ako sa problema at sakit ng ulo niya.
Maria Lynvern: Sa totoo lang bebewaps sobrang pinanghihinaan na talaga ko ng loob nun pero pinilit ko yung sarili ko na alalahanin ka. Bebewaps ikaw na lang ang humihila sa akin pabalik
Maria Lynvern: Sinadya kong lumayo muna sa bahay pansamantala para makaiwas sa problema kasi baka kapag nag-stay pa ko doon mas lalo akong manghina baka di ko na kayanin pa yung sarili ko at kung ano na magawa ko
Bakit hindi ka lumapit sa akin?
Maria Lynvern: Justine naman. Alam kong sobrang kapal ng mukha ko ngayon para lumapit lapit pa sayo 😭 ako naman ang nagtulak sayo palayo noon
Maria Lynvern: Alam kong nasaktan kita at huli na noong ma-realize ko kung ano talaga nararamdaman ko sayo 🥺 alam kong sobrang kapal na ng mukha ko para sabihin sayo na mahal kita at nandito lang ako para sayo pero di ko nga nagawa yun noon sayo 😭😭😭 pagkatapos ng lahat pagkatapos kitang hiyain at ipagtulakan ngayon ako hahabol sayo?
Alam mo naman pala Mia
Bakit mo ko hinahabol ngayon?
Bakit ngayon nagagalit ka kapag may ibang malapit sa akin?
Maria Lynvern: Alam kong wala akong karapatan pero bawal bang magselos?! Noon ako lang ang nakikita mo ako lang inaasikaso mo ako lang gusto mo. Gusto mo bang matuwa ako na may ibang babae pa na lalapit lapit sayo?
Maria Lynvern: Maria na lugi ka pa ba?
Mukhang okay ka na
Kapal na ulit ng mukha mo eh
Maria Lynvern: Lulubusin ko na kapal ng mukha ko 😗 may pagkain ka ba? Pwede na rin na ikaw kainin kung wala
Parating na si Jared
Magluluto siya ng pagkain mo
Maria Lynvern: Hala! Jared Park ba yan?
Oo bakit?
Maria Lynvern: Pogi yun no? Sayang di ako nakasama nung guesting mo na kasama mo siya. Nakilala ko na sana
Hindi ka lalabas ng kwarto
Dyan ka lang sa loob dadalhan kita ng pagkain
Maria Lynvern: Grabe bebewaps is this selos that I smell?
Maria Lynvern: Iba talaga kamandag ng isang Maria napagseselos ang isang Justine Kristoff 😌😌😌
Maria Lynvern: Free tutorial lang 200/hr
Free tutorial tas 200/hr? Baliw ka ba?
Maria Lynvern: Ako walang charge. Pero yung kuryente ko, tubig tas office na gagamitin, may expenses kaya kailangan ko yung charge.
Maria Lynvern: Tawag dun miscellaneous fee 😗
Ewan ko sayo!
Ano ka university? May pa misc fee?
Maria Lynvern: Wag ka na magreklamo bebewaps makakatulong sakin to makakaipon ako para sa mga expenses ko isa pa makikitira ako dito sayo ayoko maging palamunin mo