✨ Bang-Dolls ✨
01:23 AM
Djorella Naomi: Nakauwi na ba kayo?
Fleur Ysabela: Oo, nahatid ko na si Tin.
Kirstine: Oo, nasaan na yung bwisit na Mia na yan.
Fleur Ysabela: Kapal ng mukha magyaya ng inom balak lang yata mang-inggit hmp
Nakauwi na kami mga ate
Sorry na 😭😭😭
Promise di ko talaga alam na susunduin ako ni Justine 😭
Fleur Ysabela: Tse!
Kirstine: WEH?
Oo nga
Balak ko talaga mag-stay kay Ate Jana
Alam kong lagi ko kayo dinadaan sa charms ko pero totoong na-hurt ako sa usapan namin ni Justine
Kirstine: Anong ka-hurt hurt doon? Gusto mo saktan na lang kita para ma-hurt ka na talaga ng tuluyan.
Djorella Naomi: HAHAHAHAHAHA
Fleur Ysabela: Nanggigigil ako sayo Mia ang arte arte mo ☹️ buti ka nga binigyan ng chance ni JK na maayos yung inyo eh. Kaysa naman yung sa akin di ba?
Kirstine: Iiyak na yan
Fleur Ysabela: Tumigil ka nga Tin hahahahaha baka maiyak talaga ko lol
Grabe kayo sakin 😭
Hindi ba ko pwede masaktan sa sinabi ni Justine?
Anong gusto niyo magsaya ako at magpa-party nung sinabi niyang di niya na ko mahal?
Kirstine: Hindi na katulad ng dati pero mahal ka pa rin
Fleur Ysabela: Tama! Mahal ka pa rin niya pero may mga responsibility siya at priority na pwedeng maging dahilan para mapabayaan ka niya
Kirstine: Ikaw pa umaarte dyan eh di ba ikaw naman ang unang nambasted sa kanya
Kirstine: Para na nga kayong magka-live in ni JK dyan! Magkasama kayo sa bahay at kayong dalawa lang ha? Kung ako yan di na ko tatanggi
Fleur Ysabela: Nasaan na yung Mia na feeling gf ni JK? Bakit hindi mo ngayon gamitin ang charms mo para ma-in love ulit si JK sayo?
Djorella Naomi: Hindi na nga niya kailangan pa landiin si JK kasi mahal pa naman siya ni JK. Humihingi lang si JK ng panahon para i-analyze feelings niya. Hindi naman nabawasan feelings niya. Napunta lang sa ilalim kasi may iba na siyang priority.
Kirstine: At career yun! Career!!!
Fleur Ysabela: Buti nga hindi babae
Fleur Ysabela: Buti nga hindi kapatid
Kirstine: Babae din si Vera. Kapatid din 😂
Alam mo ate tin minsan din pala hindi ka nakakatuwa 😭
Djorella Naomi: HAHAHAHAHAHA