Maria Lynvern Peñero
03:30 PM
Kung hindi pa ko umakyat ng Baguio, di ko pa malalaman kung anong nangyari sayo.
Mabuti na lang pala alam ko kung saan ako pupunta kung hindi wala na makakakita sayo.
Maria Lynvern: Bebewaps mahal na mahal mo talaga ko 😭😭😭 salamat at pinuntahan mo ko
Ano bang naiisip mo, Mia?
Bakit mo ginawa yun?
Maria Lynvern: Sorry bebewaps 😭 hirap na hirap na kasi ako. Sinubukan ko naman na magpakatatag pero kasi hindi ko na talaga kaya
Bakit hindi ka nagsabi sakin?
Maria Lynvern: Nahihiya kasi ako sayo HAHAHAHAHAHA ayaw kong makadagdag sa pinagdaraanan mo din. Alam kong may sarili kang problema may sarili kang pasanin na dinadala
Maria Lynvern: Mukha lang talagang makapal ang mukha ko 🥺 inaartehan lang kita pero nahihiya rin naman ako bebewaps. Hindi naman porke malakas loob kong harutin ka magagawa ko talaga yun kapag kaharap kita
Maria Lynvern: Mukha lang akong walanghiya pero nahihiya pa rin ako 😭😭😭
Kumain ka na ba?
Nagpa-room service ako dyan sa kwarto mo
Maria Lynvern: Hindi ako makakain eh
Talaga bang may balak ka na mamatay Mia?
Wag mo kong inisin ah! Kumain ka
Maria Lynvern: Bebewaps di ko mapipilit katawan at sikmura ko na lamanan 😭 dalawang linggo akong halos hindi kumakain.
Ayan pa!
Hindi ka nagsabi sakin na hindi ka kumakain!
Kung ano-anong chinachat mo sakin pero nung may pinagdadaanan ka na di mo man lang ako naalala? Anong tingin mo sakin Mia pang-landi mo lang?
Maria Lynvern: Bebewaps kinikilig na ko 😭😭😭
Tumigil ka!
Bilisan mo na kumain at maligo, bababa tayo sa Manila mamayang gabi.
Maria Lynvern: Isasama mo ko sa Manila?
Kaysa mag-alala ko sayo kapag iniwan kita dito
Sumama ka na lang sakin
At least kapag alam kong nasa Manila ka mas mapapanatag ako na safe ka