17

10 3 1
                                    

JK Philippines Official

10:02 AM

Head Admin: Mia nasaan ka na ba? Ikaw na lang wala dito.

Ysabelle: Oo nga? Nagpapaganda ka pa ba para kapag magkita kayo ni JK mamaya maganda ka? Lol

Kirstine: Hindi niyo ba napapansin, tahimik si Mia? Nung isang gabi pa siya hindi nag-oonline. Parang hindi ganun yung normal na Mia.

Ysabelle: Ay di ko napansin. Pero oo nga 'no? Hindi niyo ba siya nakakausap?

Head Admin: Mia nagsecure kami ng tickets ah. Sana nagsabi ka na hindi ka makakasama, para naibigay namin sa iba yung ticket mo kung sakali. May nangyari ba at biglang di ka pumunta ngayon?

Kirstine: H.A, di naman siya nagsiseen. Last seen niya pa nung isang gabi nga. Pero wala din siyang chat nun.

Ysabelle: Baka di niya alam na ngayon yung guesting ni JK?

Kirstine: Baka

Alexa: Head Admin, nasaan na daw po kayo? Narinig ko kasi yung FM na hinahanap na kayo. Para daw ma-secure niyo magandang seats, request ni JK.

Head Admin: Nandito kami sa labas. May hinihintay na lang. Kapag hindi pa dumating papasok na kami.

Alexa: Nasabi ko na kay JK. Tawag ka daw sa kanya.

Head Admin: Sige tatawag na ko

Ysabelle: Grabe, si Mia lang hinihintay natin. Parang unusual nga to for someone like Mia.

Kirstine: Uy grabe to. Ngayon na nga lang nanahimik si Mia

Ysabelle: Hoy hindi. I mean, chance to ni Mia to meet JK. Kung talagang magkakilala sila, I'm sure matagal na rin sila di nagkikita dahil busy si JK sa career niya. Tapos di lang pupunta si Mia?

Ysabelle: Sasayangin lang yung chance?

Head Admin: Mia pinapapasok na kami. Kung darating ka pa at late ka lang, sabihan mo lang kami dito. Missed call mo rin ako kung sakali para mapapasok ka pa namin.

Head Admin: Kahit sino dito tawagan mo para masabi sakin agad at masundo kita.

Head Admin: Ingat ka daw.

Seen by everyone except Maria Lynvern Peñero

Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon