Mia Vera Cruz
07:46 PM
Mia Vera: JK?
Mia 😊
Mia Vera: Uuwi ka mamaya?
Bakit, miss mo ba ko?
Mia Vera: Ito talaga, mapagbiro.
Mukha ba kong nagbibiro?
Ikaw nga namimiss ko na eh.
Tapos hindi mo ko miss? ☹️
Mia Vera: Sinong may sabi na hindi?
So?
Mia Vera: Syempre namimiss na din kita.
Yun naman pala
Mia Vera: Ang tagal mo na hindi umuuwi dito.
Mia Vera: Masyado mo na yata sinusubsob ang sarili mo sa pagta-trabaho.
Mia Vera: Baka pinababayaan mo na ang sarili mo ah.
Syempre naman hindi
Inaalagaan ko yung sarili ko dito
Wag ka mag-alala, malakas na malakas pa ko.
Mia Vera: Siguraduhin mo lang JK.
Opo, Ma'am Mia.
Mia Vera: Mahirap na magkasakit.
Mia Vera: Masama na pakiramdam mo tapos masakit pa sa bulsa. Napakagastos magpa-ospital at magpagamot.
Naku, Ma'am Mia!
Ang layo na ng narating mo, aba.
Mas malakas pa sa kalabaw 'to!
Kahit ilang ektarya pa ang ipa-araro mo, kayang-kaya ko.
Mia Vera: Wag puro salita JK.
Maayos lang ako dito.
Promise!
Mia Vera: Mabuti rin ba ang trato ng mga tao dyan sayo?
Mia Vera: Yung mga kaibigan mo ba kasama mo pa rin dyan hanggang ngayon.
Oo, mababait naman ang mga nakakasalamuha ko dito.
Si Jared pa rin ang madalas kong kasama.
Mia Vera: Si Miggy?
Okay naman si Miggy.
Yun talaga ang subsob sa trabaho. Akala mo may binubuhay na pamilya! Hahahaha.
Mia Vera: Mabuti na yun, pero sabihin mo ingatan niya pa rin ang kalusugan niya.
Mia Vera: Maigi na nakakaipon siya para sa kinabukasan niya at ng magiging pamilya niya pero dapat malusog siya.
Kanina ako lang iniisip mo, ngayon pati si Miggy na?
Mia Vera: Umuwi ka na lng dito at ipagluluto kita ng paborito mo.
Pochero ba yan?
Mia Vera: Oo! Magaling na ko magluto para ako na ang magluluto sayo pag umuwi ka dito.
Uuwi na ko, Mia.
Hintayin mo ko, uuwi na ko sayo.