Looks like we made it
Look how far we've come, my baby
We mighta took the long way
We knew we'd get there somedayPakiramdam ni Mia ay lumulutang siya habang naririnig ang kantang tunutugtog sa kung saan. It reminds her of Justine.
Mia knew in her heart that JK would always be her endgame. Some call it manifestations, while some believe that it is just her illusion. Pero para kay Mia, trusting in the process by pursuing him when she had the chance is part of their journey. It is fate. The love they both had is bound to happen.
They said, "I bet they'll never make it"
But just look at us holding on
We're still together, still going strongLooking at JK's teary-eyed face makes her heart melt. She can see everything through his eyes — warmth, love, comfort, and future. She can't get her eyes off of him. Kahit yata buong araw siyang matulala sa gwapong binata ay okay lang sa kanya. As long as she can stare at him freely all day, nothing else matters.
"Mia," pagtawag ni JK sa pangalan niya. May alanganing ngiti ito sa mga labi. Sumusulyap lang ito sa kanya at deretso pa rin ang tingin nito sa unahan.
"I do, Father." sagot niya habang nakatitig pa din sa lalaking bumubuo sa pangarap niya.
"Anong I do pinagsasasabi mo? Hindi siya pari at hindi niya tayo ikinakasal," natatawang wika ni JK habang hinahawi ang buhok niyang nakasabog na sa mukha niya.
"Sorry," nakangiti siyang humarap sa lalaking nakaupo ngayon sa tapat niya. Humingi siya ng paumanhin dito sa inasal niya at nakiusap kung pwede ba nitong ulitin ang sinabi nito kanina.
JK requested this exclusive one-on-one interview. Isang linggo pa lang ang lumilipas mula ng matapos ang kontrata nito sa RMS Entertainment ngunit may kondisyon na agad ito sa boss nito at kaibigang si RM Serrano. Papayag lang ito sa renewal of contract kung aalisin ang no-dating clause at hahayaan siyang i-announce publicly ang relasyon nilang dalawa.
We've heard that you were JK's schoolmate in Baguio before his trainee days and that you are his first love. Ikaw lang ang tanging niligawan, inibig at minahal ng isang JK Jung. How does it feel to be his only woman?
"Hindi na ako nagtaka," natawa siya ng sitahin siya ni JK at mag-sorry ito sa reporter. Tawa naman ng tawa ang reporter sa isinagot niya. May mali ba sa sinabi niya? Iyon naman talaga ang naramdaman niya.
"Umayos ka, Mia."
"Maayos ako. Do you want me to pretend as someone I am not? This is me, bebewaps. Tinanggap mo kong ganito. Hindi mo dapat ako ikinakahiya," aniya kaya lalong natawa ang kausap nila. "Tama naman ako, 'di ba?"
Yes, Miss Mia, tama ka, sagot ng reporter sa kanya.
"Actually, hindi ako nahihiya kapag tinatanong ako kung hinabol-habol ko si Justine. I mean, totoo naman. Sinubukan ko siyang ligawan noon," pagpapatuloy niya.
"Mia," umiiling na pagtawag ni JK sa pangalan niya.
"Nahihiya siya, tignan mo. But I don't see the point in denying our truths. Bakit namin kailangan itago ang mga ginawa namin? We are who we are today because of our past. And that includes my mistakes and taking the initiative to have a relationship with you," pagpapatuloy niya habang deretso ang tingin sa mga mata ni JK.
What do you mean you took the initiative? Ikaw ang nag-first move?
"Technically, no. Nauna siyang manligaw, eh. Tapos binasted ko siya. Well," pagyayabang niya bago hawiin ang mahaba niyang buhok, "ingatan mo 'yong buhok ko, ah. Baka matapakan mo."
"I'll take the lead," pagsingit ni JK sa pagkukwento niya. "Noong tumigil ako sa panliligaw kay Mia, iyon ang unang tapak ko dito sa Manila. I cut off everything that would bind me to my previous life. Nag-focus ako sa training ko until I debut."
"At doon na ko pumasok ulit," pagpasok niyang muli sa usapan na sinabayan niya ng pagtawa. Napailing na lang si JK at hinayaan siyang mag-kwento kung paano niya kinulit-kulit ito hanggang sa umabot na nga sa punto ng panandaliang hiwalayan nila.
I can't imagine that you will make the first move, Miss Mia. Opinyon ko lang naman po. You have a bright personality. You are optimistic and energetic. Pero hindi ko nakikita sa iyo na ikaw ang maglalakas ng loob para ligawan si JK. And to let him go after all those efforts... You are so brave. It's like you wasted your time for nothing. How do you cope with that?
"I just knew that we will be together again. Kahit anong sabihin nila, kahit anong tanggi ni Justine na hindi niya na ko mahal, kahit sinasabihan akong ilusyon ko lang si JK at hindi magiging kami... I stick to the plan. I know that we will be together in the end. Naka-tadhana kaming dalawa. No one can stop two hearts that are destined forever.
"Nagbunga naman, 'di ba? When I let Justine go last year, ilang buwan lang namin tiniis ang isa't isa. He courted me again. Kahit na bawal sa kontrata niya, kahit nangako kami na palalayain na namin ang isa't isa, we still found the way to be in each other's arms. Nagligawan pa rin kami. Naging kami pa rin sa huli."
Napangiti siya habang sinasariwa sa alaala ang pinagdaanan nilang dalawa ni JK. How her sleepless nights become worth it because she believed that JK will be hers in the end. Katulad ng sinabi sa kanya ni Vera, JK wanted to do the traditional panliligaw. Niligawan siya nito muli at harap-harapan pang ipinapakita sa mga boss nito ang ginagawang pagsira sa kontrata.
Knowing JK, hindi ito masisindak at mapagsasabihan. Bandang huli, hinayaan na lang ito ng management at pinagbigyan. Nag-resign din siya sa trabaho dahil kahit naman may angking kapal ng mukha ay hindi niya kayang sumuway sa company policy. Hindi niya kaya ang office romance.
The interview went well. Si JK ang nagpatuloy sa pagsagot ang pagbabahagi ng kwento nilang dalawa. His eyes spark joy at ganoon din naman ang nararamdaman niya. She can't believe that the day she's been waiting for finally came.
So, JK Jung, are you now confirming that you are off the market?
"Proudly and gladly off the market," pagtango ni JK na kinuha pa ang kaliwang kamay niya para halikan at ipakita ang singsing doon. Nanlaki ang mata ng reporter at napa-oh my God pa ng makitang pareho ito sa singsing na suot ni JK sa kaliwang kamay nito.
"Bow down to the queen." nakangising sabi niya. At the end of the day, siya pa rin ang nanalo. She got Justine for herself and she is married to the love of her life.
Pasensya na mga side characters, ako lang ito. Si Maria na mahal na mahal ni JK. Naka-three points na, may foul pa.