Bang Bang Bang
07:03 AM
Jared Mitchell: Sarap naman maging girlfriend ni Jana. Maasikaso na, may breakfast pa.
Jin Pomelo: Swerte ko, malas mo.
Jared Mitchell: May darling ako!
Victorio Miguel: Nasaan na si JK?
Jared Mitchell: Nasa kwarto ni Jana. Tulog.
Randell Maverick: Bakit dyan natulog?
Jin Pomelo: Pagod, kahapon pa walang tulog.
Jared Mitchell: Hindi na siya mapakali nung umalis si Mia kahapon eh. Hindi makatulog. Pagdating nga dito, kumiss lang kay Jana bago hinanap agad si Mia.
Victorio Miguel: Wow kumiss pa
Yuugi: Jana kisses me, too, kapag nagkikita kami.
Jin Pomelo: Baka naman beso lang, Yuugi.
Yuugi: Kiss din naman tawag sa beso ah?
Jin Pomelo: Parang iba kasi chat mo 😒
Jared Mitchell: Ang sarap ng sinangag ni Jana. Garlic Rice na super sarap! Tapos siya din ang gumawa ng tapa at tocino niya. 😍
Randell Maverick: Nakakagutom naman. Punta na ko.
Jin Pomelo: Nandito si Ysa.
Randell Maverick: Hindi na pala.
Yuugi: Haha!
Jay: HAHAHAHAHAHAHA Boss Jin 😂😂😂
Jin Pomelo: HAHAHAHAHA
Victorio Miguel: Ako pupunta sabihin mo kay Jana pagluto niya din ako ng egg 😍
Jin Pomelo: Nandito si Tin.
Victorio Miguel: Sure.
Yuugi: Bawal, Miguel.
Victorio Miguel: Bakit na naman?
Yuugi: Sandra
Victorio Miguel: So what?
Jin Pomelo: Bahay ni Jana 'to.
Victorio Miguel: Natakam ako sa fried rice at tocino, eh.
Victorio Miguel: Bahala kayo dyan. Pupunta pa rin ako.
Yuugi: 😑
Victorio Miguel: Love you! Punta ka na lang din.
Yuugi: I want my eggs scrambled with a splash of milk.
Jin Pomelo: At ang kapal ng mukha, nag-demand pa nga?
Jared Mitchell: HAHAHAHAHAHA
Jared Mitchell: Sige daw sabi ni Jana, ingat kayo.
Seen by everyone except Justine Kristoff Jung