Fleur Ysabela Marte
04:30 PM
Ate Ysa free ka?
Fleur Ysabela: O Mia anong kailangan mo?
Grabe naman ate
Wala man lang bang hi o hello dyan?
Fleur Ysabela: Hindi ka rin kaya nag-hi lol
Ay sorry
Fleur Ysabela: Okay ka lang ba?
Hindi 😭😭😭
Ate Ysa samahan mo ko
Fleur Ysabela: Saan?
Kahit saan
Fleur Ysabela: Uy gaga ka
Kahit saan ate pls
Tinakasan ko lang si JK
Umalis ako sa bahay niya
Fleur Ysabela: Lol as if
Ikaw bahala kung maniniwala ka o hindi
Pero need ko talaga kasama ate Ysa pls 😭
Gusto kong mag-inom HAHAHAHAHA 😭😭😭
Fleur Ysabela: Hahahahahaha sige tara
Saan tayo magkikita?
Fleur Ysabela: Saan ka ba manggagaling?
Fleur Ysabela: Sama ko si Tin
Sa QC ate
Sige ate the more the many-er 😭
Fleur Ysabela: HAHAHAHAHAHAHA GAGA
Fleur Ysabela: merrier yun!
Alam ko 😭
Pero wala ako sa mood ate pls
Hindi ko alam kung sino pwede ko tawagan
Wala naman ako kakilala dito
Fleur Ysabela: Punta ka sa MRT anong station ba malapit sa inyo?
Di ko alam ate
Di naman kasi kami nagco commute ni JK dito
May sasakyan siya di ba?
Fleur Ysabela: Lol okay
Mag-taxi na lang ba ko?
Fleur Ysabela: Saan ka ba malapit Mia?
Di ko na alam
Di nga pala ko sumakay
Basta paglabas ko kasi ng bahay naglakad lakad lang ako
Di ko na alam kung nasaan ako
Fleur Ysabela: Ay gaga talaga
Fleur Ysabela: Daanan ko lang muna si Tin para sabay na kami magpunta sayo
Fleur Ysabela: Tumigil ka sa kahit anong convenience store na madaanan mo. Kung may 7/11 o Uncle John's dyan
Fleur Ysabela: Share mo na din location mo para masundo ka namin
Okay ate
Thank you 😭
Fleur Ysabela: Okay
Wala lang talaga akong ibang malapitan dito
Salamat talaga