Bang Bang Bang
07:33 PM
Jared Mitchell: Good morning sa inyo!
Yuugi: Gabi na tanga
Jared Mitchell: Wala akong pake kasi kagigising ko lang
Ano nangyari kagabi?
Jared Mitchell: Di tayo talo bebi
Jay: HAHAHAHAHAHA
@Jared Mitchell Park!
Jared Mitchell: Hahahaha. Ano ba yun?
Anong nangyari?!
Victorio Miguel: Wala nga. Kasalanan mo yan dahil iinom-inom ka tas ngayon wala kang maalala.
Jin Pomelo: Kinatok mo si Mia tapos sinabi mo sa kanya na mahal mo pa rin siya.
Jay: HAHAHAHAHAHAHA JIN!
WEH?!
Di nga?!
Jin Pomelo: Tatanong tanong ka tas di ka maniniwala bahala ka dyan
Seryoso ba?
Randell Maverick: Bukas ng umaga babiyahe na tayo pabalik ng Manila. May PTA meeting daw sila Raselle.
Yuugi: Ang PTA meeting tuwing mag-uumpisa lang ang klase.
Randell Maverick: Eh, sabi ni Raselle may PTA Meeting.
Jin Pomelo: Wag mo idamay si Raselle sa monkey business mo. Si Ysa ang pupuntahan mo.
Jay: HAHAHAHAHAHAHAHA
Victorio Miguel: Ang daming baon ni Jin. Haha!
Yuugi: Sino si Ysa?
Jared Mitchell: Ah kawawa di updated
Jared totoo ba yung sinabi ni Jin?
Jin Pomelo: Bakit ba ayaw mo maniwala sa akin sinabi ko na nga sayo kung anong ginawa mo pinuntahan mo si Mia sa kwarto niya tas nagalit ka dahil nagseselos ka sa amin kaya pala ayaw mo kong painumin ng tubig sabi ni Mia ang pogi kong uminom tapos nagagalit ka na pogi si Jared kasi nagwapuhan si Mia tapos inaaway mo si Miggy kasi crush siya ni Mia
FUCK
Jared Mitchell: HAHAHAHAHAHAHA
Jay: HAHAHAHAHAHAHA
Randell Maverick: Jin! Hahahaha.
Victorio Miguel: Haha! Galit na galit.