Maria Lynvern Peñero
11:35 PM
Maria Lynvern: Bebewaps pansinin mo naman comments ko sa live mo
Maria Lynvern: Hindi ako naniniwala na hindi mo nababasa comments ko kasi lahat sila nababasa
Maria Lynvern: Supportive naman pala sila sa labteam natin bebewaps 😘😘😘
Seen. 11:37 pm
Maria Lynvern: O huli! 😍😍😍
Maria Lynvern: Seen hahahaha
Maria Lynvern: Sabi na nga ba at hindi mo ko matitiis eh.
Seen. 11:38 pm
Maria Lynvern: Pwede naman magreply ng mabilis sakin di naman siguro magtatampo ibang fans mo kung malalaman nila na ako kachat mo.
Maria Lynvern: O ayan na nag-comment na ko sa live na rereplyan mo muna ko para di sila magselos sakin.
Maria Lynvern: Pero kung ako tatanungin, di rin ako magseselos sa kanila.
Maria Lynvern: Naiintindihan ko ang career mo bebewaps. Alam kong para din sa future natin yan kaya don't worry di naman ako yung tipo ng selosa na girlfriend.
Seen. 11:41 pm
Maria Lynvern: Shout-out mo naman ako
Maria Lynvern: Isang shout-out naman dyan!
Maria Lynvern: Sabihin mo lang shout out sa babaeng mahal ko wag ka na magselos sa mga nagkakagusto sakin kasi ikaw lang naman talaga gusto ko ayiiieee
Maria Lynvern: Same JK same
Maria Lynvern: Ikaw lang din ang gusto ko bebewaps 😘❤️
Maria Lynvern: Mia and JK forever
Maria Lynvern: Mia and JK forever and ever and ever and we will lived happily ever after to infinity and beyond to the moon and back padlock tapon susi
Seen. 11:43 pm
Maria Lynvern: AHAHAHAHAHAHA
Maria Lynvern: Sabi na nga ba nababasa ko comment ko!
Maria Lynvern: Tamis naman ng ngiti na yan syempre para sa'kin yan eh.
Maria Lynvern: Miss you bebewaps. Alam mo naman kung saan ako nakatira di ba?
Sorry, miss.
Hindi nababasa ni JK yung messages mo dito.
We're his admins.
Ang nababasa niya lang po yung live comments.
Thank you!
And don't forget to like and share his live with our hashtag. ☺️