31

19 4 8
                                    

Maria Lynvern Peñero

12:43 AM

Maria Lynvern: Justine Kristoff 🥺

Maria Lynvern: Kung inaakala mong magseselos ako kapag nalaman kong ibang babae mo ang pupuntahan natin dito sa Cordillera, hindi!

Maria Lynvern: Kung inaakala mong maaapektuhan ako kapag nakita kong sweet kayo, hindi!

Maria Lynvern: Kung inaakala mong magugulat ako kapag nalaman kong may ibang Mia ka pala kaysa sa akin, hindi!

Maria Lynvern: Hindi ka nagkakamali 😭😭😭

Maria Lynvern: Bebewaps selos na selos na ko 😭 sino ba yang Mia Vera na yan?

Maria Lynvern: Pinaglihi ba yan sa ampao? Bakit ang hilig sumapaw??? 🙄

Maria Lynvern: Gusto ko ng sumabog at magsabi ng masasamang words Justine ha tapos di ka pa nabalik dito sa kwarto ano nandyan ka sa kwarto ng Mia Vera na yan

Maria Lynvern: Harap harapan mo na ba talaga kong pagtataksilan ha? Ha? Ha?

Maria Lynvern: Ang gwapo gwapo nga ni Jared pero hindi ko pinapahalata sa kanya na nagagwapuhan ako sa kanya

Maria Lynvern: Grabe pa yun si Jin lumalagok lang ng tubig ang hot hot parang nauhaw din ako bigla eh

Maria Lynvern: Tapos yung boss mo ba yun? Ang laki ng katawan. Nakita ko tumatakbo siya paikot-ikot kanina doon sa garden ni Mia Vera parang gusto kong pahiran yung pawis niya

Maria Lynvern: Tsaka sino pala yung gwapo na parang suplado? Yung maputi? Naghubad bebewaps grabe nakakagutom parang gusto kong sabayan kumain

Maria Lynvern: Si Sir Jay, ang bait bait sobra. Nung iniwan mo ko sinamahan niya ko! Buti pa siya hindi nang-iiwan

Maria Lynvern: Pero pinakagusto ko sa lahat si Rio 🤭🤭🤭 crush ko na yata siya.

Nagseselos ka ba Mia o gusto mo lang ikwento sakin kung anong ginawa mo buong araw?

At pinanood mo pa talaga mga kaibigan ko?

Maria Lynvern: Pagkatapos mo kong pagselosin, anong karapatan mong magtanong sa panonood ko sa mga kaibigan mo?

Maria Lynvern: At least, di nila ko pinabayaan. Ikaw nakita mo lang yang Mia Vera na yan hindi mo na sila inasikaso.

Ilang taon kong di nakasama si Mia.

Sila araw-araw kong kasama?

Maria Lynvern: Eh ako bebewaps? Nasaan ako?

Maria Lynvern: I was there the whole time. If you only see her, where was I?

The fuck?

Matulog ka na. Pagod ka lang.

Maria Lynvern: Bakit hindi ka dito matutulog?! Saan ka matutulog? Dyan sa tabi ng Mia Vera na yan?

Don't be paranoid, Mia.

I'm with Jared.

Maria Lynvern: Kanina mahal ko pa yan si Jared. Dapat na ba kong magselos sa kanya? 🥲

Of course not.

The fuck, why am I even explaining to you?!

Maria Lynvern: Maria Lynvern Peñero for three, may kasama pang foul. HAHAHAHAHAHA

Maria Lynvern: Good night bebewaps don't worry di ako magsasara ng kwarto para pwede mo kong gapangin mamaya 😌😌😌

In your dreams.

Maria Lynvern: Grabe ka na Justine hanggang panaginip gusto mo ako lang talaga kasama 🤭

Ilusyunada ka!

Matulog ka na nga.

Maria Lynvern: Dream of me bebewaps! See you 🤗

Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon