41

11 4 4
                                    

Bang Bang Bang

02:47 PM

Jared Mitchell: Congrats bebi ikakasal ka na

Jin Pomelo: Uunahan pa nga ako

Victorio Miguel: Wow kasalan na

What?

Wag nga kayo magpapaniwala kay Mia

Jay: Hindi mo naman tinanggi sa post niya

Kapag pinansin mo pa kasi mas lalo lang siya magpapapansin

Yuugi: But it will cause commotion, JK.

Sanay naman yung fans ko kay Mia kasi member si Mia ng fan club ko

Alam nila na makulit lang talaga siya kaya hindi nila seseryosohin si Mia

Randell Maverick: JK, nandoon na tayo na hindi nila seseryosohin si Mia. But Nella confirmed that you guys are together.

Randell Maverick: Mia posted her greetings in the wee hour of the night.

Randell Maverick: Hindi naman siguro lahat ng fans mo ay bata para hindi maisip kung ano ang pwedeng mangyari sa mga oras na yon.

Wala kaming ginawa ni Mia

Jared Mitchell: Wala naman sinabi si Boss RM na may ginawa kayo bebi 😭

Jared Mitchell: Bakit defensive ka?

Jin Pomelo: Baka may balak siyang gawin kay Mia

Wala ah

Victorio Miguel: Ano ba kayo ni Mia?

Friends

Jay: With benefits HAHAHAHAHAHA

Friends lang

Aaminin ko na gusto ko si Mia dati

Pero dati pa yun

Yuugi: And the jealousy when we were with Vera? Care to explain that?

Wala nainis lang ako kasi parang gustong gusto niya landiin kayo lahat

Kailangan ba talaga na umabot pa sa ganon para lang pansinin ko siya

Hindi ganon yung Mia na nakilala ko

Jin Pomelo: Hindi na kasi siya yung Mia na nagustuhan mo.

Hindi talaga

Ibang iba na siya

Jin Pomelo: Yung Mia na gusto mo, hindi ka gusto.

Jared Mitchell: Aww saket :(

Jin Pomelo: Yung Mia na kaharap mo ngayon, gagawin na lahat para maiparamdam sayo na gusto ka niya.

Jin Pomelo: She may realize her feelings late but that doesn't mean that her feelings are not real.

Pero?

Victorio Miguel: Ano?

Hindi na katulad ng dati yung nararamdaman ko

Yuugi: Gago

Sorry

Randell Maverick: Bakit mo binahay?

Binahay agad? Hindi ba pwedeng pinatira lang

Jin Pomelo: Pareho lang yon magkasama kayo sa iisang bahay na kayong dalawa lang

Housemates kami

Bawal ba yun?

Victorio Miguel: Masasaktan siya JK

Anong gagawin ko?

Tulungan niyo ko

Jay: Hindi ko masisisi si Mia kung umaasa siya sayo dahil sa sitwasyon ninyo ngayon. Pero JK mali eh. Mali yung ginawa mo.

Totoo naman yung pag-aalala ko kay Mia

Hindi naman basta mawawala yun dahil si Mia talaga first love ko

Yan hindi ko itatanggi yan

Pero kasi hindi na kasinglalim ng dati yung nararamdaman ko para sa kanya

Randell Maverick: Ayusin mo yan JK

Yes boss

Randell Maverick: Hindi mo dapat pinapaasa yung tao

Jin Pomelo: Sabi nung ghoster na iniwan yung girlfriend niya sa ere at hindi maayos sarili niyang problema

Jay: HAHAHAHAHAHAHAHA

Jared Mitchell: HAHAHHAHAHAHA grabe

Victorio Miguel: Boss reply naman nag-aabang kami

Yuugi: Hindi na sasagot yon

Jin Pomelo: Wag niyo kasi ako gagalitin kung ano ano tuloy nasasabi ko sa inyo

Seen by everyone

Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon