Maria Lynvern Peñero
04:35 PM
Bakit hindi ka dumating?
Hintay sila ng hintay sayo. Pati si Alexa hinihintay ka. Nag-aalala daw mga kasama mo sa gc. Ngayon ka lang daw biglang walang paramdam sa kanila.
Itinabi ko yung ticket mo sana. Kapag sasama ka next time, ipakuha mo sa akin. Mahilig kang magtabi ng mga ticket ticket, tanda ko. Kahit hindi mo to napuntahan, I'm sure, gusto mo pa rin to makuha.
Nagpunta rin kami sa kainan kanina. Nag-burger kami. Natawa nga ako, nag-order ako ng burger na walang mayo at ketchup. Tapos tinanong nila ko kung hindi ako mahilig sa dressing sa burger 😅
Hindi ko masabi sa kanila na sayo yun. Ayaw mo ng mayo at ketchup kasi sabi mo messy kainin. Bwisit ka! Ang arte arte mo di ba? Hanggang ngayon natatandaan ko pa rin.
Pero ano nga ba nangyari sayo? Bakit bigla kang hindi nagpunta? Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng time makipag-interact sa fans, wala ka pa. Hindi nga rin ako makapaniwala na wala ka. Syempre alam ko kung gaano ka kakulit tapos di mo ko pinuntahan?
Hindi ko lang matanong yung iba kasi baka sabihin nila bakit hinahanap kita. Tsaka bakit kita kailangan hanapin di ba? Nagulat nga rin ako nung sinabi nila sa akin na hinihintay ka nila dumating kaya di sila nakapasok agad. Buti na lang maganda pa rin napwestuhan nila kahit ang tagal nila naghintay sa labas para sayo.
Sige na, ang haba na pala ng message ko. Sama ka na lang sa susunod. Kita na lang tayo kapag pwede ka na. Ingat ka!
Sent