59

9 4 4
                                    

Maria Lynvern Peñero

07:32 PM

Kakain na Mia

Maria Lynvern: Okay wait lang

Bilisan mo sabay sabay na tayo kumain

Puntahan mo na lang ako doon sa kwarto ni Jana

Maria Lynvern: Anong gagawin mo doon bebewaps? 😒

Nandoon sila Jared 🙄

Susunduin ko sila kasi kakain na!

Maria Lynvern: Ahhh hehehehe okay sige sunduin mo na sila doon muna ko kay Vera

Close kayo?

Maria Lynvern: Oo close na kami 🙄

Maria Lynvern: Kahit pagsabungin mo pa kami close na kami hindi mo na mababago pa ang closeness namin at kahit maghiwalay tayo magiging friends pa din kami 🙄

Anong maghiwalay?

Maria Lynvern: Hehe bebewaps

Anong ibig mo sabihin?

Maria Lynvern: I am setting you free now, Justine.

Mia naman

Ito na naman tayo

Maria Lynvern: Wait lang pakinggan mo muna ang paliwanag ko HAHAHAHAHA

Maria Lynvern: Kasalanan ko naman kung bakit hindi naging tayo noon eh. Binasted kita. I took you for granted. Sa totoo lang, noon pa naman gusto na kita Justine. Gustong gusto na kita noon pa.

Maria Lynvern: Pero pabebe kasi ako 😩 Binasted kita kahit alam kong titigil ka sa panliligaw sa akin at mapapagod ka. Noong umalis ka, doon ako nagsisi sa ginawa ko. I supported you from afar.

Maria Lynvern: Masaya ako sa narating mo, Justine. I'm so proud of you. At kahit naman hindi naging tayo, sigurado naman ako na mahal kita. Tulad ng pagmamahal mo sa akin, hindi rin naman mawawala yung pagmamahal ko sayo.

Maria Lynvern: Susuportahan pa din kita. Hindi pa rin kita iiwan. Mamahalin pa din kita. But this time, I'll love you in a way that I won't hold you back.

Maria Lynvern: Sinabi na sa akin ni Vera ang totoo. May kontrata ka daw sa RMS. Bawal ka daw makipag-date o magkaroon ng ka-relasyon habang nakapirma ka ng kontrata sa kanila. As much as we love each other, at kahit kaibigan mo naman ang boss mo, hindi pa rin tama na suwayin mo ang pinirmahan mo.

Maria Lynvern: Pinaghirapan mo ang narating mo ngayon, Justine. Alam kong mahal mo ko. Alam ko na at naiintindihan ko. Hindi ako magiging sagabal sa growth mo at sa career mo.

Mia ang awkward naman nito

Maria Lynvern: Grabe naman bebewaps pagbigyan mo naman ako patapos na nga tayo bigyan mo naman ako ng character development 😭

HAHAHAHAHAHA

Maria Lynvern: Lipad, JK! Abutin mo lahat ng gusto mo abutin. Basta ako, nandito lang ako. Susuportahan pa din kita. Mamahalin pa rin kita. At hindi mo kailangan mag-alala bebewaps, wala akong ibang mamahalin habang magkalayo tayo.

Iiwan mo na ko?

Maria Lynvern: Hindi na ko uuwi sa bahay mo pagbalik natin ng Manila.

Bakit? 😩

Maria Lynvern: Wag ka na magtanong. Basta hindi ako doon uuwi.

Love Is Not OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon