Maria Lynvern Peñero
04:02 PM
Maria Lynvern: Tipid naman ng reply sa akin
Maria Lynvern: Tapos sa isang Mia may mga emoji pang kasama
Maria Lynvern: Nu yon???
Maria Lynvern: Uuwi pa para makasama? Tapos ano ako iiwan mo dito?
Edi sumama ka
Maria Lynvern: Sige 😌😌😌
Maria Lynvern: Kailan tayo aalis?
Bwisit
Maria Lynvern: HAHAHAHAHAHAHA
Maria Lynvern: Bakit ba kasi uuwi ka pa doon sa Baguio para sa Mia Vera na yun?
Maria Lynvern: Nag-celebrate ka na with me tama na yun hindi mo na kailangan pa ng ibang Mia dahil nandito naman na ko
Nagseselos ka ba?
Maria Lynvern: Ako magseselos???
Maria Lynvern: Hah! Hello, nakikita mo ba ko?
Maria Lynvern: Hindi ko kailangan magselos dahil confident ako sa sarili ko
Good
You don't need to be jealous
Maria Lynvern: I know right
Hindi naman tayo
Maria Lynvern: Bakit ka ganyan? 😭😭😭 Mapanakit yern?
Maria Lynvern: Magiging tayo din naman so bakit pa ko magseselos
What if hindi?
Maria Lynvern: Anong hindi?
What if hindi maging tayo?
Maria Lynvern: Okay lang hahahahahaha what if lang naman eh
I'm serious Mia
Maria Lynvern: Ang serious mo naman bebewaps parang nakakatakot ka naman
Maria Lynvern: Chill lang tayo bebewaps romcom to 😭😭😭
Mia let's talk
Maria Lynvern: Bakit imbes na kiligin ako kasi ikaw nag-initiate ng usap ??? kinabahan pa ko 😭
Maria Lynvern: Bakit parang ayaw ko?
Mia kailangan natin mag-usap
Maria Lynvern: Bebewaps 😭
It's about us
It's for your own good
Please, mag-usap tayo.
Maria Lynvern: Kahit magplease ka ng sampung beses
Maria Lynvern: Kahit lumuhod ka pa
Maria Lynvern: No, hindi ako makikipag usap sayo.
Maria Lynvern: I'm sorry bebewaps
Mia naman
Sent