Maria Lynvern Peñero
10:06 AM
Maria Lynvern: Hello bebewaps!
Mia, kumusta na?
Nakalipat ka na daw sabi ni Nella.
Maria Lynvern: Yup doon ako nakalipat sa kakilala ni Ate Nella 😍😍😍 malapit lang din sa RMS yung apartment ko kaya hindi ako nahihirapan pumasok.
Sabi nga sa akin ni Randell sa RMS ka na nagta-trabaho ngayon.
Kumusta naman ang work?
Maria Lynvern: Okay lang naman madali lang naman ang work ko sa office lang naman ako naka-assign kaya puro paperwork lang din ang pinagagawa sa akin
Maria Lynvern: Madalas ko nga makita si Sir Jay at Jared kasi malapit sa studio yung office ko kaya kapag may practice sila nagkikita kami doon kasi napapadaan sila sa office
Mabuti naman
Maria Lynvern: Ikaw kumusta? Bakit hindi mo ko pinupuntahan bebewaps? 🥹
Nagmu-move on ako! HAHAHAHA
Maria Lynvern: Wow move on pero sorry ka na lang bebewaps you can't move on from me hehehe mahihirapan kang maka-get over sa akin 😌
Oo nga
Maria Lynvern: Justine naman 😩 Marupok ako sayo pls 😭😭😭
HAHAHAHAHA
Maria Lynvern: Alam kong sinabi ko na di ka makaka-move on sa akin pero ako din naman di makaka-move on sayo eh 😭
Maria Lynvern: Miss na miss na nga kita eh 😭😭😭
Focus muna tayo sa sarili natin Mia
Kapag pwede na ulit, kapag okay na ulit, baka pwede pa tayo.
Baka pwede pa tayong bumalik sa dati.
Maria Lynvern: Ipagdasal mo na walang manligaw sa akin kasi kapag nagkaroon ako ng chance papalitan na kita 😌
Kaya pala nabalitaan ko na pinagkakalat mong jowa mo ako at hinihintay lang natin na matapos yung kontrata ko bago natin i-announce yung relasyon natin.
Maria Lynvern: Bwisit ka! Akala ko ba hindi mo ko pinupuntahan.
HAHAHAHAHAHA
I miss you.
Kapag pwede na, sana pwede pa.
Maria Lynvern: Kapag pwede ka na, kahit mag-mature roles pa tayo, pwedeng pwede na!
HAHAHAHAHAHA
THE END