Chapter 26

71 2 1
                                    

Chapter 26


Bumaba kami sa tapat ng isang mall. Hindi ako familiar dun sa mall, isa pa, hindi naman ako mahilig gumala kaya anong alam ko sa mga ganito.


Pero sa totoo lang, I'm not impressed. First date, sa mall? Ang common. Anyway, pag bored naman na ako, uuwi na ako.


Nagulat na lang ako nang biglang niyang hawakan yung kamay ko. Nang tignan ko siya, nakangiti na siya sa akin.


"Let's go, sweetheart."


Saka siyang nagsimulang maglakad. Napatingin ako sa likod niya. Nauuna kasi siyang maglakad at nagpapahuli talaga ako. Ang lapad ng likod niya. Yung parang ang sarap yakapin o higaan kapag pagod ka na. Sa totoo lang, ang gwapo niya kahit nakatalikod.


Wàaaaaaaaahhhhhh.


Ano tong sinasabi ko? Masyado ata akong na-overwhelmed sa yakap niya.


Waaaaahhhhh. Ano ba tong naiisip ko? *sigh*


"What's wrong?"


Napatingin agad ako kay Denver. Saka naman niya biglang hinawakan yung mukha ko. Agad ko rin namang inalis yung kamay niya.


"Wala. Saan ba tayo pupunta?"


"Sure? Okay ka lang? Gusto ko maging okay ka kapag pumunta na tayo dun. And secret pa yung pupuntahan na natin." He smiled and winked at me.


Magkasabay na kaming naglalakad. Kung ano-ano pang makita at maisip ko eh. Ang kulit kasi ng mata at utak na to eh.

"

Ay shh*t," sabi nang isang lalaki na nakabangga ko.


Napatingin ako sa damit ko. Namantsahan ng ice cream yung damit ko.


"Naku, Miss. Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh."


"Anong hindi tumitingin?," napalingon ako kay Denver nang magsalita siya. "Ikaw tong nakabangga kaya magsorry ka. Tignan mo, nadumihan mo pa yung damit niya."


"Denver, ano ba." Parang nasindak kasi yung lalaki. "Pasensya ka na. Hindi rin kasi ako tumitingin sa nilalakaran ko eh."


Tumingin muna yung lalaki kay Denver saka nagsalita. "Sorry," sabay takbo nung lalaki.


"Tignan mo tong batang to," hahabulin pa sana ni Denver pero pinigilan ko na. Kawawa naman, mukhang freshman eh.


"Hayaan mo na."


"Ang bastos eh. Parang labag sa loob niya yung pagsorry. Kapag nagkaanak tayo, sisiguraduhin kong hindi magiging ganyan ang ugali."


Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasabi niya yun. Di ko alam magiging reaksyon ko eh. Dapat ba akong matuwa o mainis?

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon