Chapter 10 (Part 2): Their POVs (Chris' POV)

395 6 1
                                    

Para sa kanya. Hindi ko alam yung name niya. Pero ka wall-to-wall ko siya. ^_^. Thank you for reading. ^_^. Goodluck sa college. ^_^

Picture. -----> Yung red. Yung gown ni Lia. Tapos yung blue, kay Angelica. ^_^. Tapos yung babae. Si Lia. ^__^. Ganda. :). Matagal kasi uli ako mawawala. Need to review for the qualifying exams. ^_^

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 10 (PART 2): THEIR POVs (CHRIS' POV)

"Kanina ka pa dito?"

Agad siyang lumingon at lumapit naman ako sa kanya with a smile on my face.

"Hindi naman. Napa--"

Nanlaki ang mata niya sabay hawak sa mukha ko. "My God. Sabi naman sayo, wag na natin ituloy eh."

Hinawakan ko yung kamay niya na nakahawak sa mukha ko.

"Ikaw na rin ang nagsabi. You want to help our friends. I want to help them, too. Saka last naman na to di ba? We've reached the climax of our plan, sila na ang gagawa ng ending ng plano natin."

Siguro naguguluhan kayo sa mga pinagsasasabi ko. At siguro naman may idea na kayo kung sino ang kausap ko.

Ms. Natalia Anderson. Soon-to-be Mrs. Natalia A. Velasquez. Oh bakit? May problema kayo? Kung wala, okay yan. Pero kung meron, lumapit ka sa akin at makikita mo ang hinahanap mo.

Ganito kasi yan. We've planned it from the very beginning. Yung maging close or kung hindi man eh ang paglapitin si Denver at Angelica. Simula kasi nang malaman namin ka--

"Sweetheart."

Automatic na nagising yung utak ko sa pakikipag-usap sa inyo. Lia calling me that endearment. Nabubuhay ang sistema ko.

"Ano yung iniisip mo?"

I just looked at her curious face. Haaaaaaaaay... I missed her. I really missed her. Panakaw lang yung mga pagkikita namin. Haaaaay... Bakit ba ganito yung nararamdaman ako? First time kong maramdaman to. I am really in love with her. I really do love her.

Agad ko siyang niyakap nang mahigpit.

"I love you, Lia. I love you."

"I love you, too, sweetheart." Then she faced me. "Sorry sa ginawa ng pinsan ko ha. Alam kong pangalawang beses na yan pero sorry talaga."

I smiled at her. "Wag ka ngang mag-sorry. Isa lang ang ibig sabihin nito, effective yung plano natin, so don't say sorry." Then I winked at her.

Nga pala, pinsan niya si Denver. Kaibigan ko yung mokong na yun at kaibigan naman ni Lia si Angelica na kaibigan ko rin. So, wala lang. #share.

"Sana magkatuluyan sila no."

"Yeah. Teka nga, bakit ba sila yung pinag-uusapan natin?" Hinawakan ko yung dalawang kamay niya at nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya. "Nasabi ko na ba na sobrang ganda mo ngayon?"

I saw her blush pero agad niyang tinapik yung mukha ko. "Bola."

"Ouch!" Sabay hawak ko sa panga ko. Kunwari masakit.

"Ay!" Sabay hawak niya sa bibig niya then sa mukha ko na rin. "Sorry. Sorry. Nawala sa isip ko. Ikaw kasi eh. Teka nga. Haaaayyyy. Teka. Wait. Sorry talaga. Hmmmm... Ano bang pwedeng gawin? Wa--"

Agad kong hinawakan yung kamay niya para matigil yung pagkakataranta niya. "Hmmm... sa tuwing masakit yung ulo ko, anong ginagawa mo para mawala yung sakit?"

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon