Chapter 19

185 7 0
                                    

Chapter 19

Or maybe I'm hallucinating.

Eh pano, mukhang nag-eenjoy pa si Denver sa kumakausap sa kanya eh. Ni hindi nga niya pinipigilan yung babaeng nagpupunas ng pawis niya. At tumatawa pa silang dalawa. Tss.

Ano ba to? Nagpapractice ba talaga sila? Nagpapasikat lang ata tong mga players na to eh.

"Oy, selos," biglang kalabit sa tagiliran ko. Nagulat pa ako sa ginawa niya. "Wag kang mag-alala, ako na papalit sa kanya," sabay kindat ni Joan. "Uy, pero hindi ko lalandiin si Denver mo."

Pumayag si Joan na maging muse ng basketball team. "Yang yung current muse?"

"Correction," tinaas pa niya yung daliri niya. "ex-muse. Masyado raw kasing flirt kaya gustong palitan."

Halata nga! Kababalik lang ni Denver kaya siya yung nilalandi. Tss. -____-

Pagharap ko kay Joan, wala na siya sa tabi ko. Nakita ko na lang na may kausap siya sa phone.

Tapos bigla siyang sumenyas na mauna na raw siya.

And now I'm alone. -____-

"Di ba siya yung sumapak dati kay Denver?"

"Oo. Nakita ko pa nga yun eh. Grabe. Kunwari pang galit, may gusto rin pala. Kakaibang diskarte.'

Naningkit ang mga mata ko sa narinig ko.

"Nasa loob pala ang kulo."

"Ang lakas ng loob niya ah."

Tumayo na ako. Kalmado lang. Wew~

Bumaba na ako from the bleachers with my hands forming into a fist.

Ayoko dito. Bahala si Denver diyan! Pupunta na lang ako sa mall at bibili ng damit.

Nakakainis ang mga babaeng yan. Kung gusto nila si Denver, sa kanila na. Hindi ko kailangan ng demonyo sa buhay ko. Ni hindi nga nila ako kilala.

Kung makapagsalita ang m--

"Sabi ko, hintayin mo ako eh."

Napatigil ako sa paglalakad dahil nasa harapan ko na si Denver. Nakasabit na sa kanang balikat niya yung bag niya. Medyo hinihingal din siya.

"Bakit nandito ka? Tapos na ba yung PRACTICE nyo?" May emphasis talaga sa word na practice.

"H-Hindi pa. Umalis ka kasi eh."

"Akin na kasi yung damit ko."

Binuksanna nito ang bag at nilabas yung damit ko.

"Bakit hindi mo ako hinintay?"

Inabot na niya ang damit sa akin at kinuha ko naman yun at naglakad na papunta sa pinakalamalapit na CR.

"Sweetheart. May problema ba?"

Napatigil ako. "Stop calling me that endearment. Please!"

"Ano bang gusto mong itawag ko sayo?"

"May pangalan ako! Saka stop following me! Umalis ka na! Ibabalik ko na lang tong damit mo bukas!"

"Angelica," sabay hawak sa braso ko. Iniharap niya ako sa kanya. "May prolema ba, ha?" sabi niya nang malumanay.

Humugot naman ako ng malalim na paghinga. Inalis ko yung kamay niya sa braso ko. "Lumayo ka na sa akin hangga't nakakapagtiis pa ako."

"Ayoko!", napasigaw si Denver. "Bakit ba?! Ano bang nagawa ko?!"

"Wala! Ayokong nasa tabi ka! Nakakainis ka! Nakakainis kayo!"

Tumakbo na ako pero hinabol din niya ako. Maya-maya pa'y naabutan din niya ako at hinawakan ako sa braso.

"Kayo? As in, kami? Anong ginawa namin?"

Hindi ko alam kung bakit naluluha ako. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko.

"Angelica." He wiped my tears away and then he hugged me. "Ano ba yun? Sabihin mo sa akin," sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Umiling ako. "Wala. Akala ko matapang ako. Pero parang hindi pala." Sunod-sunod na tumulo yung luha ko.

Anong nangyayari sa akin?

"Sssshhh. Tahan na." Patuloy pa rin niyang hinahaplos ang buhok ko.

His hug gave me a warm feeling. I feel safe in his arms. Pakiramdam ko kahit anong sabihin sa akin ng mga babaeng yun, may mga kamay na yayakap sa akin. May mga salitang magko-comfort sa akin. At may taong magpaparamdam sa akin na okay ang lahat.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Nagpapaapekto ako sa mga babaeng yun. Hindi ako ganito.

Pinunasan ko na yung luha ko at lumayo kay Denver.

"Magbibihis muna ako."

Naglalakad na ako nang hawakan ni Denver yung kamay ko at hinarap niya ako sa kanya.

"Will you tell me your problem after you've changed your clothes?"

Tumingin ako sa mga mata niya. And he was sincere. Yung talagang gusto niyang malaman kung ano yung problema ko.

Tumango na lang ako. Sa pagtango ko'y humigpit ang hawak ni Denver sa akin. And then he smiled.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon