Chapter 1: Meet the Devil

917 10 2
                                    

 Ayun. This is supposed to be a short story. Nawiwili kasi akong gumawa nun. Pero short story pa rin naman siya eh. Ilang parts lang to. Sana mapagtiisan nyo. :). At ngayon palang sinasabi ko na, maraming salamat ng bonggang bongga sa magbabasa. Yung nagbasa nung The Lucky Charm, bukas pa po yung sequel niya. Tinatype ko pa lang. So ayun, salamat uli. Sana magustuhan nyo. ^_^

Yung video po. --------> Ang ganda nung beat kaya tuwang-tuwa ako. kaya nilagay ko na. May pagka-troublemaker naman kasi yung bidang lalaki. ENJOY.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 1: MEET THE DEVIL

BOOOGSH

Antaray naman neto. Maliban sa walang kwentang Introduction at Author's Note. Unang part na unang part. Bungguan na agad ang eksena. Anyway, ako po yung may nakabunggo. Ay, nabunggo niya ako. Nagmamadali siya masyado at hindi na ako nakaiwas eh.

"Miss...*hikbi*...so...*hikbi*... rry."

Nagulat ako kay ate. Umiiyak siya. Well, hindi ko nakikita yung mukha niya pero halata naman na umiiyak siya eh. Nakatakip pa yung mukha niya nung dalawa niyang kamay.

"Okay ka lang ba Miss?"

Sinilip ko yung mukha niya kaso nakatakip talaga. Tapos umiling siya then *poof* she became coco crunch.

JOKE!

Tinakbuhan na niya ako.

Umiiyak na babae. Hmmmm.... Parang kilala ko na to ah... Iisa lang nam--

"Wow. Pare. Astig ka. Dalawang babae, nakama mo in just one night. Tapos virgin pa pareho. Astig ka pare."

Malakas talaga ang radar ko sa mga gantong bagay. Sa mga tsismis. Pero teka....

Astig? Naikama? Dalawang virgin?

>__________________<

Anong astig dun? Pervert! Grabe!

Tinignan ko na yung grupo nila nang masama. Oo. SILA.

"Pumayag naman sila eh. Sino bang hindi makakatanggi sa kamandag ko?"

Sabi na eh. Siya na naman. Naku naman. Demonyito talaga siya.

"ANGELICA!"

Napalingon ako sa direksyon na pinanggalingan ng boses. Si Chris, one of HIS friends who is supposedly my friend, too.

Tumigil ako at humarap sa kanila.

Palapit naman si Chris sa akin.

"Tapos ka na sa assignment sa Physical Science?"

Tumango ako.

"Pakopya ha."

Tumango ako uli.

"Teka. May problema ka ba?"

Tumango uli ako.

"T-Teka... Napipi ka na ba?"

Tumango uli ako.

JOKE! Nadala ako sa pagtango eh.

"Ano na naman ang ginawa ng demonyito mong kaibigan?"

Kumunot siya ng noo. "Sino? Si Denver?"

"Sino pa bang demonyo sa university na to?"

Tama. Siya. Siya si Denver Ilagan. Siya yung demonyong walang ginawa kungi magpaiyak ng babae, mang-away, mang-bully, mang-trip, mang-inis, mang-inasal. JOKE! Demonyo talaga yan. And if you'll have an anagram on his name. AN EVIL RANGED

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon