Chapter 16

288 7 2
                                    

Gusto ko na talagang matapos to. Para sayo, salamat po sa paglagay sa RL mo. ^__^

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 16

"Ang aga mo ata, Angelica." Salubong ni Yaya.

>< Hindi na lang ako nagsalita. *pout* May klase pa ako eh, may absent na tuloy ako. ><

"Aaahh... T-teka... S-sino ka nga uli?" Tinuro niya si Denver na nasa likod ko.

"Denver po." Pagkabanggit ni Denver ng pangalan niya, ngumiti si Yaya. At yung ngiti niya, umabot hanggang likod. Parang kinikilig pa... haaaayyyy naku... "Ah... pwede po bang maghanda ng pagkain para kay Angelica. Hindi pa po siya kumakain."

"Ha?" Tumingin sa akin si Yaya at yumuko na lang ako. "Ahh... Sige. Sige. Maupo na kayo doon, iinitin ko lang yung pagkain." Sinundan ko ng tingin si Yaya papunta sa kusina.

Umupo naman ako sa tapat ng dining table. Umupo na rin si Denver sa tapat ko.

"Angelica."

(<<,) Bahala ka diyan sa buhay mo! Hmph!

"Galit ka pa ba?"

Oo! Ang epal mo kasi! Magnanakaw ng halik! ><

"Tungkol pa rin ba to sa nakita mo o dun sa nangyari sa clinic?"

Tss. Pareho! Nagtatanong pa! Pareho naman siyang guilty doon. Hmph!

"Hindi ka ba naniniwala sa akin kanina?"

Tss. Sinong maniniwala sa sinabi mo? Sister?! Nakakatawa ka.

"Ange--"

"Oh.. eto na yung pagkain."

Nilapag na ni Yaya yung pagkain. Pagkalapag ay tumayo si Denver at tumabi sa akin. Nilagyan niya yung plato ko ng pagkain.

"Kain ka na."

Pagtingin ko kay Denver, nakangiti siya. Inirapan ko lang siya at hinawakan ko na yung kutsara't tinidor. Isusubo ko na sana yung pagkain nang mapatingin ako kay Yaya. Ang lapad ng ngiti niya. Binelatan ko na lang si Yaya.

"Cute."

Napatingin ako kay Denver. Nakatukod yung siko niya sa mesa at ang kamay niya parang nakapangalumbaba.

"Bakit nandito ka pa? Wala ka bang klase?"

"Meron. Gusto mo na ba akong umalis?"

"oo. Ginawa mo pa akong dahilan ng pagka-cutting mo." Tinarayan ko siya.

Ginulo niya yung buhok ko. "Kumain ka na nga lang."

"Ano ba?!" Tinapik ko yung kamay niya.

Nagpatuloy ako sa pagkain. At ang tahimik namin. Si Yaya, bumalik sa kusina. Si Denver, andito sa tabi ko, at ang alam kong kanina pa siya nakatingin. Hindi ko na lang siya pinansin.

"Angelica." Hindi ako tumingin. "Kahit hindi ka na tumingin, makinig ka na lang. Kapatid ko talaga yung kanina. Nagpapatulong sa play nila. Paano raw ba magmumukhang peke ang kissing scene. Mukha namang nagwork."

Nagbiro pa. -___-

"At yung sa clinic, pasensya na talaga. K-kasi a-ano... Basta, sorry. Wag ka nang magalit ah."

Napainom ako ng tubig. Tumayo na ako. Tumayo na rin siya. BAgo pa ako makarating sa kusina ay nagsalita na siya.

"Mauna na ako. Ayokong magcutting dahil alam kong ayaw mong ginagawa ko yun. Pahinga ka na. See you tomorrow."

Napabuntong hininga ako. Paglingon ko, nandun pa rin siya. Akala ko, wala na. "Ingat ka."

Oops. Did I really say that?

Napangiti si Denver. Lumapit siya at napaatras ako.

"Sige ba. Sabi mo eh." Sabay gulo ng buhok ko.

Aist. Pasalamat siya may hawak akong plato at baso kundi natapik ko na yung kamay niya.

"Thanks for that. Are you really sure you want mo to go to school? Or I'll stay here?"

Sinubukan ko siyang sipain pero umiwas siya. "Umalis ka na nga."

"See you tomorrow, babe."

"Anong babe?!" Sinipa ko uli siya pero walang nangyari. "Alis na!"

"Bye, sweetheart." Sabay ngiti nang mapanloko.

Argh! Tignan mo tong demonyong to. Pasaway!

"Ya! Alis na po ako!" Sigaw ni Denver. Agad namang lumabas si Yaya mula sa kusina.

"Mag-iingat ka ha."

Kumaway lang si Denver at tumalikod na ako para ilagay ang plato sa lababo.

"Gwapo naman siya. Mukha namang gusto ka niya. Kayo na ba?"

Napatingin ako kay Yaya. "Ya naman. Hindi mo ba nakita ang sungay ng lalaking yun?"

"Hmmm.. Meron nga pero putol na." Sabay tawa ni Yaya,

Hindi ko na lang pinansin si Yaya at hinugasan na yung platong kinainan ko.

"Tingin ko, pinutol niya yun. Para siguro sa isang anghel."

Lumabas na si Yaya at naiwan na ako sa kusina.

Pinutol niya? Nakakatawa.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon