Chapter 21

188 5 3
                                    

For baybiiko_12. :D Nakakatuwa naman po dahil nakarelate ka. Salamat po sa pagbabasa. <3

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 21

 "Nakita ko yun ah. Kayo na ba?"

Yan talaga yung binungad sa akin ni Ya pagpasok ko ng bahay.

Tumawa ako. "Ya naman. Ganun talaga yung demonyong yun. Pinagtitrip-an lang ako nun. Nabuking ko pa kanina. Hahaha."

"Nabuking? Paano?"

"Sabi niya, gusto niya raw ako. Syempre hindi ako naniwala, ganun ang taktika niya eh. Haha."

Nakita kong kumunot ang noo niya. "Talaga? Bakit hindi ka naniwala? Paano kung totoo yung sinabi niya?"

"Ya, hindi po yun totoo. Maniwala po kayo sa akin."

Papasok na sana ako ng kwarto nang maloka ako sa sinabi ni Yaya.

"Totoo yung sinabi niya. Mas maniwala ka sa akin." Tapos ngumiti siya.

Nginitian ko na lang siya tapos pumasok na ako ng kwarto. Kung makapagsalita naman kasi si Yaya parang kilala niya si Denver. Kung alam lang niya.

-----

So ayun, ang boring ng klase namin ngayon. Daldal lang nang daldal si Sir. Eh nakwento na niya yung mga sinasabi niya eh.

"Angelica, samahan mo ako sa gym mamaya ah."

Ahhhh... Muse nga pala tong si Joan. Eh anong gagawin niya dun? Practice lang naman ng team, di naman ata kailangan ang presensya niya.

"Para saan?"

"Susuka--"

"Excuse me, Sir."

Napatingin kami ni Joan sa pinto. Pamilyar din kasi yung boses eh. Saka ang lakas nung boses niya na mapapatingin ka talaga sa kanya.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon