Chapter 23

62 3 0
                                    

Thank you for reading. :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 23:

Naalimpungatan ako sa katok na naririnig ko. Pinakinggan kong mabuti at naririnig ko na tinatawag ako ni Denver. Ayoko muna siyang kausapin. Hangga't hindi ko alam kung paano ko malalaman ang totoo niyang intensyon.

Kaya nagpanggap akong natutulog. Knowing Denver, papasok pa rin yan dito sa loob ng kwarto ko. Hanggang sa marinig kong bumukas ang pinto at sumara uli. Naririnig ko rin ang footsteps niya.

Nakahiga pa rin ako sa kama ko, yung paa ko yung nasa headboard.

Naramdaman kong umupo siya sa kama ko.

He sighed. "Pinagdasal ko kanina habang papunta ako sa inyo eh wag kang maabutang tulog. Pero eto ka."

Naghintay ako ng sasabihin niya pero wala. Tumahimik siya bigla.

"Ahhh!! Sht!" Naramdaman ko ang pagtayo niya. "Bakit ako nagkakaganito? Sht. Ano ba yung naiisip ko! No! Baka magising na naman siya at batuhin ako ng unan. Ano bang gagawin ko?"

Anong nangyayari sa lalaking to? Anong pinagsasabi niya?

Ididilat ko na sana yung mata ko pero bigla siyang nagsalita. "Ahhh. Alam ko na. Hindi na lang muna ako haharap sayo. Hmmm, saan ba ako pupwesto?" Nanahimik siya saglit. "Dito na lang."

Hindi na lang muna siya haharap? Sinubukan ko siyang silipin and I saw him sitting sa tapat ng bedside table ko. Nakasandal siya sa kama at nakatalikod sa akin. Ipinikit ko uli ang mga mata ko.

"Teka, bakit ba nandito pa ako? Umuwi na lang kaya ako?" I heard him sighed. "Ayoko pang umuwi. I don't know. Gusto kasi kitang makausap pero tulog ka. Sige na nga, sasabihin ko na lang kahit tulog ka. Sana mapanaginipan mo." Tapos bigla siyang tumawa.

"Yung nangyari kanina. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. And honestly, nabitin ako. Kaya ganito ang pwesto ko ngayon, baka ano pang magawa ko sayo. At kung ano pang magawa mo sa akin." Tumawa uli siya. "Hindi ko pa rin lubos maisip na hindi ka nagalit kanina. Yung unang paghalik ko sayo kanina, I thought dun pa lang, manlalaban ka na. I was practicing what would I do when you start punching me or hitting me or even run away from me. Pero napaka-unexpected so I kissed you again. And that kiss..."

Bigla siyang nanahimik. Hindi ko alam kung nagrereminisce siya or what. I don't want to open my eyes.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon