Chapter 5 Part 1: Bracelet

532 14 3
                                    

 Ayyyiiiieeee... Dinedicate niya yung kanya eh saka nilagay din niya to sa reading list niya. Salamat. ^_^

Akala ko mapapahaba yung ginawa ko, kaya pinutol ko muna. Wala pa muna yung picture kasi nagloloko yung photobucket. Ayun. Hindi ko sure kung kailan ko itutuloy to. Baka sa friday na kapag hindi ko nagawa mamaya. *wink*

Salamat po sa magbabasa. ^_^

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 5 PART 1: BRACELET

"Ang tanong ko, anong ituturo mo sa anak mo? Hindi anak natin. And FYI, hindi yun mangyayari no."

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya. "Gusto ko kambal yung magiging anak ko. Kahit yun lang, okay na ako. Kung hindi naman, kahit dalawang anak lang pwede na ako. Lalaki ang panganay at babae ang pangalawa para ipagtatanggol ng panganay ko yung princess natin. Tapos yung lalaki, kamukha ko. Gwapo. Matangkad. Sweet. Habulin ng babae. Lagi kong ibibilin sa kanya yung princess natin. At yung babae naman, kamukha mo. Maganda. Mukhang anghel. Mabait. Matapang. At siya, habulin ng lalaki. Pero nadyan si panganay kaya siya ang bahala sa kanya. Matalino sila pareho. Magiging successful. I'll do everything for them. I'll do everything for my family."

Bigla siyang tumingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero yung daang nilalakad namin kanina eh napalitan ng isang kwarto. Nandito na kami sa loob ng madilim na kwarto. Napatingin ako sa mata niya. Dahil naramdaman kong nakatingin ang mga iyon.

Napaatras ako nang unti-unti siyang lumalapit sa akin. Hanggang napasandal na lang ako sa isang pader. At naramdaman kong isinandal niya yung dalawa niyang kamay sa pader. At unti-unti niyang nilapit ang ulo niya sa akin. Napapikit ako. Napalunok ako nang maramdaman ko ang paghinga niya sa tenga ko.

""I want to see my kids growing up. Syempre gusto ko kasama yung mommy nila." Ibinulong niya sa tenga ko na sobrang nagtaasan yung balahibo ko.

Then, binalik niya ang tingin sa mga mata ko. "At ikaw yung magiging mommy nila." Saka unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Napapikit ako hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagdampi ng kanyang mga labi sa labi ko.

"HOY ANGELICA! HOY ANGELICA! SI JOAN TO. HOY ANGELICA! HOY ANGELICA! SI JO--"

Agad kong kinapa-kapa yung cellphone ko sa mesa ko. Si Joan yung tumatawag. Yan ang ringtone ko pag siya ang tumatawag. Agad kong nilapit sa aking tenga ang cellphone ko.

"Hello. Bakit?"

"Anong bakit? Kanina pa kita tinatawagan. Anong oras na? Bakit wala ka pa rito sa school?"

Napabangon agad ako sa pagkaka-ub-ob sa study table ko. Napatingin ako sa wall clock.

O_O

7:30 na. My Ghaaaaddd. 7:30 ang pasok ko. MY GHAAAAAAADDDDDDD!!!!!

"Hoy Angelica! Ange-"

Binitawan ko na yung cellphone ko at niligpit yung gamit ko. Bago ako pumasok ng banyo, binuksan ko yung pinto ng kwarto ko at sumilip.

"Ya! Dalawang ham sandwich. Salamat!"

Parang umorder lang sa tindahan eh no? Hindi kasi ako sanay nang walang kinakain bago umalis ng bahay kaya magbabaon na lang ako. Sa Jeep ko kakainin.

Tumakbo na ako papasok ng banyo.

After 20 minutes, tumakbo na ako palabas ng kwarto ko papunta sa kusina. Yun na po ang pinakamabilis kong kilos.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon