Chapter 12

382 9 1
                                    

Thank you for reading and voting. ^___^

Hindi ko na sana tatapusin kaso naisip ko onti na lang naman at matatapos na so, tapusin na. :).

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 12

Angelica's POV

NP: Troublemaker by JS and Hyuna (Video ------->)

Agad kong kinuha yung phone ko sa bag. Pagtingin ko, si Lia ang tumatawag.

Tumingin muna ako kay Denver at Dominic, nakatingin sila sa akin. Binalik ko ang tingin ko sa phone at lumayo ng kaunti sa kanila.

"Hello, Lia."

"Angelica. Let's meet. Kumain ka na ba?" Mabilis na sabi ni Lia.

"Ahhhhmmm... May kasama kasi ako eh. Pwede--"

"Please."

Ano kayang problema nito ni Lia at biglaang tumawag tapos niyayaya akong maglunch. Medyo late na rin kaya.

Wala naman ata akong choice eh.

"Sige na nga. Saan?"

Napatingin ako kay Denver. Nakatingin lang siya sa akin habang sinasabi naman ni Lia yung lugar na pagkakakitaan namin.

In-end ko na yung tawag at tumingin ako kay Dominic.

"Ibigay mo na lang sa akin yang baunan ha. I need to go."

Pagkasabi ko nun ay tumayo na ako at naglakad palayo.

"HOY! Angelica!" Hindi ko nilingon si Denver. Binilisan ko na lang yung lakad.

"Saan ka pupunta?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang nasa tabi ko na pala siya. Ang bilis naman neto maglakad.

"Ahhh. Wala. Dun ka na. Wag ka nang sumunod."

"Ayoko. Sasama ako."

Ang kulit neto. Si Lia kaya ang pupuntahan ko. Kapag nalaman nun na magkasama kami netong si Denver the Devil, baka anong isipin ni Lia.

"Wag na sabi. Dun ka na. Chu. Chu." Pagtataboy ko sa kanya.

Hanggang sa makalabas na kami ng school ay nakadikit pa rin siya sa akin. Hinarap ko na siya.

"Denver naman! Wag ka nang sumama please. Sige na. Alis na."

Nakatingin lang si Denver sa akin. Sana pumayag. *crossedfingers*

"Sige na nga. Kapag may nangyaring masama sayo, wag mo akong sisisihin ha. Tss."

Naglakad na ito palayo. Haaaaaayyyy. Buti naman. Minsan napapakiusapan din pala tong demonyo na to eh no.

Inhale. Exhale.

Ewan ko kung bakit pero parang kinakabahan ako pumasok sa restaurant na to. Baka may bad news si Lia. Nako! Wag naman sana.

Pumasok na ako ng restaurant at hinanap si Lia. Nung makita ko siya, saka rin naman niya ako nakita at kumakaway pa siya.

Umupo ako sa harapan niya. "May problema ba?"

Nakangiti lang siya. "Gusto sana naming magsorry."

"Namin?"

Naloka ako kay Lia biglang nanlaki yung mga mata niya. Napatingin ako sa direksyong tinitignan niya.

O___O

Baliw talaga tong si Denver! Sinundan ako! Tss. Bakit ba ako nagpauto sa kanya? Nako! Wag naman sanang magalit si Lia. Kaya pala siguro ako kinakabahan.

"Ahhh... Lia... Kasi ano..."

Napatingin ako kay Denver nang tumabi siya sa akin. "Si Lia lang pala ang pupuntahan mo ayaw mo pa akong isama."

Tumingin ako kay Lia. Nakangiti siya. Hala. Bakit ganun? Bakit siya nakangiti? Ibig sabihin, hindi siya galit?

"Oh. Hello."

O__O Pati si Chris nandito? Hala! Anong nangyayari? Siya ba yung tinutukoy ni Lia na kasama niyang magsosorry?

Umupo siya sa tabi ni Lia. Napatingin ako kay Denver. Nakikita ko yung galit sa mukha niya pero haltang pigil. Naku! Nagseselos ata siya.

Awww... Nagseselos. Ang swerte naman talaga ni Lia.

"Bakit nandito ka?" Nanggigigil na sabi ni Denver.

"Ako dapat ang magtanong kung bakit nandito ka."

"Chris." Sabi ni Lia na humawak pa sa kamay ni Chris. Bakit niya hinawakan yung kamay ni Chris? Andito si Denver. Hindi ba niya naiisip na baka magselos itong demonyong katabi ko?

"Angelica, let's go."

Bigla akong hinawakan ni Denver sa kamay at hinila.

Ano bang nangyayari? Bakit parang wala akong alam?

"Denver, wait." Pigil ni Lia na nasa harapan na namin. "Denver naman. Pag-usapan natin to nang maayos. Please."

Break na ba sila? At si Chris na ang bagong boyfriend ni Lia? Kaya ba siya nandun si Chris sa debut dahil may affair sila ni Lia at nalaman ito ni denver. Nagalit si Denver at nakipagbreak kay Lia. Tama ba ako? Tama kaya ako?

Bumalik kami sa kinauupuan namin na hawak-hawak pa rin ni Denver yung kamay ko. Tinatanggal ko yung pagkakahawak niya pero hinihigpitan lang niya lalo.

"Angelica." Napatingin ako kay Lia nung magsalita siya. "Sorry. Niloko ka namin."

"Ako? Niloko? Ninyo? Sino? Kayong dalawa ni Chris?" Si Chris niloko naman talaga siya nito eh. Pero pati si Lia?

"Sorry." Sabi ni Chris.

"Teka. Anong nangyayari?" Isa-isa ko silang tinignan. Pati si Denver tinignan ko, parang naguguluhan din siya.

"Sorry din, Denver." Sabi ni Lia.

"Oo nga. Sorry, pre." Sabi ni Chris.

Wait lang ha. Parang ayaw madigest ng utak ko ang nangyayari.

"Angelica." Tumingin ako kay Lia. "Hindi kami ni Denver. Pinsan ko siya. Sinabi ko lang yun para kunwaring pagselosin si Chris."

Hindi muna ako nagsalita at pinakinggan siya.

"Sorry din Denver. Ang totoo niyan, hindi naman talaga kami nagbreak ni Chris eh. Kaya wag ka nang magalit sa kanya."

Should I be happy sa mga pinaggagagawa ng mga to?

"Is that all?" Seryosong tanong ni Denver.

"Sorry, pre." Sabi ni Chris.

"Angelica. Tara na." At naglakad na kami palabas ng restaurant.

Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasan ang matawa sa sarili ko. Wala palang relasyon si Denver at Lia. Magpinsan pala sila. Ano ba yung mga pinag-iisip ko? Pero, nakita ko silang magkiss dati. Sa lips pa. Hmmm.. Baka hindi naman pala talaga sila nagkiss. I'm so happy.

Yung kay Chris, kinalimutan ko na yun eh. Pinalimot kasi sa akin nung ibang tao diyan. Hahahaha.

Nung mapatingin ako kay Denver, nakangiti ito.

Napatingin siya sa akin kaya agad kong iniwas yung tingin ko. Napatingin na lang ako sa kamay namin dalawa. Hindi pa rin talaga niya binibitawan yung kamay ko.

"May kasalanan ka sa akin."

Napatingin ako kay Denver. Ako? May kasalanan sa kanya. Parang wala naman akong maalala.

"Hindi ka pa kumakain. Tara na."

Tss. Yun lang pala. Akala ko naman kung ano na.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon