Chapter 5 Part 2: Bracelet

449 9 1
                                    

Ayun. May picture na po akong nilagay for Chapter 5. Ayun din po yung picture nung bracelet. -----> Eto na po ang update. Salamat po sa mga nagbabasa. ^_^.

CHAPTER 5 PART 2: BRACELET

Isinalit - salit ko ang tingin kay Chris at Joan. Napatingin uli ako sa bracelet sabay tingin uli sa kanilang dalawa.

"Ibig sabihin..." Si Joan ang nagsalita.

"NO!" Agad na tutol ko sa kanya. Alam ko na ang sasabihin niya eh. Baliw talaga yung demonyong yun, pati ako dinadamay. Psh.

Napatayo na lang ako bigla sa kinauupuan ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Chris.

Hindi ko siya sinagot at nagsimula na akong humakbang palabas ng canteen.

"Hoy Angelica yung pagkain mo."

Narinig ko pang sigaw ni Joan. Pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko hahayaan napagtrip-an ako ng demonyitong yun. Kung yung iba eh natatakot na pigilan siya pwes, ako, HINDI! Mali siya nang napiling mapag-ti-trip-an. At hindi ko na patatagalin pa to.

Habang naglalakad, binalik ko na yung bracelet sa box. Psh. Isipin pa niya, nagustuhan ko yung bracelet. Well, nagustuhan ko naman pero sa kanya galing to eh. Kaya pangit na!

Naglakad ako. At hindi ko alam kung saan ako pupunta. Malay ko ba kung saan yung tambayan niya. Psh. As if I care! Nakita ko yung isa niyang alipores.

"Hoy! Nasaan si Denver?"

"Nandun sa UTMT."

Ah... so dun pala yung tambayan niya. UTMT. Under The Mango Tree. So ayun, magsimula na akong maglakad papunta dun.

Teka... andaming puno ng mangga dito sa school. Hmmmm.... bahala na kung saan ako dadalhin ng magaganda kong paa. O kaya ng pakpak ko?

So ayun na nga, na-sense ng aking matalinong utak ang kaitiman ng aura niya. Sinundan ko lang naman yung init na nararamdaman ko. Remember, he's an evil. May apoy sa paligid niya. Kaya mainit. It's not because he's hot. Psh. Okay, sige na. Seriously, he's hot. SIYA NA!

"Hoy, Denver."

Agad siyang napalingon sa akin. HOTNESS ALERT! HOTNESS ALERT!

"Uy, Angelica." Then he smiled. HANDSOME ALERT! HANDSOME ALERT! "Biglaan naman ata. Namiss mo na ako?"

Pumunta ako sa harapan niya at binato yung jewelry box sa kanya.

"Para saan yan?!" tanong ko.

Hinawakan niya yung box. "Eto? Hmmmm." Sabay hawak niya sa baba niya at tingin sa taas. "Para siguro sa kamay mo?" Then he smirked.

Psh. Ang panget mo mag-joke!

"Bakit hindi mo isuot sa kamay mo?" Nakataas-kilay kong tanong sa kanya.

"Hindi ba maganda?"

"Ako maganda. Ewan ko na lang diyan sa binili mo."

Tumawa siya. Ang kapal niya ha. Maganda naman talaga ako ah!

"Ang taas ng confidence natin ha. Hindi ko alam na ganyan ka pala."

"Anong ganyan ha?!"

Tumayo siya at lumapit sa akin.

Napapaatras naman ako sa bawat paghakbang niya.

"HOY! TUMIGIL KA NGA. ANG GULO MO EH. WAG KANG LUMAPIT."

"Ansakit naman sa tenga nun." >.< Sabay hawak sa tenga niya. Ahhh... eto pala ang panabla ko sa kanya.

"PWEDE BA?! TIGILAN MO NA ANG PANGTI-TRIP SA AKIN. NAAALIBADBARAN NA AKO SAYO EH. Tapos sinabi mo pang sa mommy ng magiging anak mo ibibigay yang bracelet. HOY." Sabay duro ko sa kanya. "ANG KAPAL NG MUKHA MO!"

"Hmmmm. Kaya pala." Nakangiting sabi ni Denver.

"Anong kaya pala?" Napakunot ako ng noo.

"Kaya pala nung pagbukas mo nito, ganto yung itsura mo." Then nagbago yung expression ng mukha niya. Naging ganito. *_____*

Lalong kumunot yung noo ko. Ibig sabihin, nakita pala niya yung reaksyon ko kanina. URRRGGGHHH!!!!

"STALKER!"

Sigaw ko sabay walk-out. Ang stalker niya! Bakit nung tumingin ako sa paligid, wala namang tao? Nakakainis! Bakit ba ang stalker niya? Bakit ba trip niya ako?! ERRRR.... I HATE HIM!

I HATE HIM.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pasensya na po kung maikli. ^_^

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon