Chapter 28

59 1 0
                                    


"Joan!"


Patakbo akong lumapit sa kanya nang makita ko na siyang naglalakad sa aisle. Kumapit ako sa braso niya nang makalapit ako.


"Kumusta? Magkwento ka naman?" Kinikilig na sabi ko. Excited na ako sa kung ano man ang nangyari sa kanila ni Kevin.


Tumingin muna siya sa akin bago siya magsalita. "Wala akong ikukwento. Saka bakit parang kinikilig ka dyan? Anong meron?"


"Ha? Si Kevin? Wala?"


"Paano mo nakilala si Kevin?"


Ay hala. "Ahhh.. ehhh... nabanggit siya sa akin ni Denver. Anyway, kumusta kayo? Ikaw ah. Hindi ka nagkukwento sa akin. Magtatampo ako niyan." Nagpout pa ako.


"Ano naman ang ikukwento ko sayo? Ikaw nga, di ka na nagkukwento sa akin eh. Yung date nyo ni Denver."


Date? Waaaaahhhhh. Oo nga pala. Alam nya yun. "Ahhhhh... ehhhh... okay naman? Ano bang gusto mong malaman?"


"Kayo na ba?"


Napatigil ako. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko talaga alam.


"Bakit? May problema ba?"


Wala namang nabanggit si Denver na nanliligaw siya sa akin tapos magiging kami? Ni hindi ko nga alam kung seryoso sa akin yun eh. Saka bakit ba ako pumapayag na tawagin niya ako sa mga endearment niya. Dapat hindi ko siya hinahayaan eh.


"Ah, wala. Pasok na tayo ng room."


Umupo na kami ni Joan at ilang saglit lang din naman ay dumating na yung prof. Saktong pagsalita ng prof, naramdaman kong nagvibrate yung phone ko na nasa bag. Panakaw kong sinilip kung sino yung nagtext.


From: Denver

Ako ba ang iniisip mo? I'll be happy kung ako nga. Can we meet after your last class? I'll be waiting. Sa gate.


Napatingin ako sa labas. At nandun si Denver. Sa part na hindi siya nakikita ng prof namin pero nakikita siya ng karamihan sa mga classmate ko. Ngumiti siya sa akin and he waved at me wholeheartedly. I gave no reaction until he walked away.


From: Denver

Your professor wont't notice you if, at least, you smiled at me. Anw, you're beautiful. Can't wait to hug you.


Tignan mo nga kung paano siya umasta. Akala mo, boyfriend ko. Eh hindi nga siya nanliligaw. Nakakainis na. Hindi dapat ako pumapayag na ganito eh. Bahala siyang mamuti ang mata niya sa gate. Hmph!


--------------------------------------------------


Dumaan ako sa kabilang gate dahil alam kong nag-aabang siya sa main gate. Maaga akong nakarating sa bahay namin at nagpalit lang ako ng damit at nahiga sa kama. Pagkahiga ko, unang pumasok sa isip ko, si Denver. Nandun pa kaya siya? Inabot ko yung bag ko at kinuha yung phone ko. 5 missed calls. 5 messages. Bubuksan ko na sana yung mga messages nang tumawag uli si Denver. Tinitigan ko lang yung phone ko hanggang sa ibaba niya. Binuksan ko na yung mga text. Apat kay Denver, isa kay Joan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon