Chapter 25

82 3 0
                                    

Chapter 25

"Denver. Yung pinag-usapan natin ah." Sabi ni Daddy kay Denver. BAkit pakiramdam ko, si Denver ang anak at hindi ako? Huhu

Tapos ay tumingin sa akin si Daddy. "Anak naman. Bakit naman nagpaganda ka pa? Maganda ka na eh. Kamukhang kamukha mo talaga ang Mommy mo."

Akala ko nakalimutan na ako ni daddy. "Daddy, hindi naman ako nagpaganda eh."

Ngumiti si Daddy. "Mag-iingat kayo ah. Denver, nako! Yung baby ko ah."

"Yes po, Tito. Ako na pong bahala sa anghel nyo." Saka naman binuksan ni Denver yung pinto ng kotse niya. Kumaway ako kay Daddy na kitang kita ko pa. Nasa likod ako ng driver at dun din uupo si Denver kasi may dala siyang personal driver. Nagba-bye na rin ako kay Ya.

Nang umandar na yung kotse, sakto namang pagtunog ng cellphone ko. Grabe. Kahapon ko pa to hindi nabuksan. Kanina, nilagay ko na lang basta to sa bag ko eh. Base sa ringtone, kilala ko na kung sino yung tumatawag.

"Joan, napatawag ka?"

"Asan ka?"

Omo! Hindi pwedeng malaman ni Joan na may date kami ni Denver. Walang dapat na makaalam. "Ahhhh. Ako? Ano, nasa bahay. B-Bakit?"

"Nasa bahay? Bakit sinasabi mo--"

"Sssshhhh. Wag kang maingay." Ang epal nitong si Denver. Sisingit pa eh. Tsk.

"Sino yang kasama mo? Si Tito? Nasa bahay ka ba talaga? Kaninong kotse yung lumabas sa bahay nyo? Nandito ako sa tapat ng bahay nyo ngayon. Nagtext ako sayo kanina ah na pupunta ako."

"Whaaat? Bakit ngayon mo lang sinabi? Aish. Teka. Teka." Inilayo ko sa akin yung phone at humarap kay Denver. "Nasa bahay si Joan. May pupuntahan ata kami. Wag na natin tong ituloy." Woah! Thank you Joan for saving me.

"Joan. Sabi niya sa akin kagabi, may pupuntahan siya pero hindi ikaw ang kasama niya."

"Kagabi? Nagkita pa kayo kagabi? Bakit?"

"Nilagay niya sa phone ko to." Kinuha ni Denver yung phone niya sa bulsa. Maya-maya pa'y iniharap niya sa akin yun.

O___________________O

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon