Chapter 20

182 6 1
                                    

Para po kay tapptriz, sa pagfollow at sa comment mo. Thank you. :D Yiiieee. <3

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 20

"Bakit bigla ka na lang umalis kanina?"

Napatingin ako kay Denver. Nandito kami sa park na malapit sa bahay namin.

Kumagat ako sa burger na hawak ko.

Nakatingin lang siya sa akin at hinihintay ang sagot ko.

Uminom muna ako ng coke. "Umalis na kasi si Joan. And besides, basketball is not my thing."

Syempre hindi ko sasabihin yung totoong dahilan. At saka, ayoko naman talaga ng basketball eh.

Nang tignan ko si Denver, mukhang di siya naniniwala. Binalik ko ang tingin sa burger ko.

"Saka sayang sa oras. At narealize ko kanina na bibili na lang ako ng damit sa mall kaysa manood ng mga ganung bagay."

Nang tignan ko siya uli, nakatingin pa rin siya sa akin.

"What?," sabay inom ng coke.

"Sa mga binanggit mo kanina, I'm wondering kung alin dun ang naging dahilan ng pag-iyak mo kanina.'

Tss. Akalain momng nag-iisip din pala tong demonyo na to. Ano naman kaya ang isasagot ko sa epal niyang tanong?

"Nakakalungkot kasi magsayang ng oras para dun. Tapos kung anu-ano pang nakikita at naririnig ko. Tss," sinabi ko nang hindi nakatingin sa kanya.

"Hmmm..." Napatingin ao sa kanya at nakatingin siya sa itaas habang nag-iisip. "Napakababaw naman kung iiyak ka dahil sa panlalandi sa akin ni Yuri kanina."

Napakunot ang noo ko. Tignan mo, ang yabang niya. Ang kapal ng mukha. >.<

"O-Oy! An--"

"Sabihin mo na nga lang yung totoo mong problema."

Di ko na natapos yung sasabihin ko dahil, obviously, sumingit siya. Kainis to ah!

"Wala akong problema! Di ba sabi ko kanina lumayo ka sa akin! Ewan ko ba kung bakit sumama pa ako sayo!" Tumayo na ako.

Tumayo din siya. "Di ba sabi ko, ayoko! Hindi ako lalayo! Saka bakit ka ba sumisigaw? Tinanong ko yung problema mo nang maayos, sumagot ka naman nang maayos."

"Paulit-ulit ka kasi! Sinagot ko naman yung tanong mo, di ka naman naniniwala!" Sumisigaw na ako dahil sa inis.

"Dahil alam kong hindi naman yun ang sagot sa tanong ko!," pati siya sumisigaw na rin. "Teka nga, bakit ba tayo nagsisigawan?" Bigla namang balik ng boses niya sa normal.

"Ikaw kasi! Uuwi na ako."

"Saglit." Hinawakan niya yung kamay ko. "Please, last na to, ano ba talagang problema mo?"

Ang kulit ng lahi neto. -___- Huminga ako nang malalim.

"Gusto mo talagang malaman kung anong problema? Nakakainis ka kasi! Nakakainis yung mga ginagawa mo! Yung pahawak-hawak mo sa kamay ko! Pag-akbay mo! Yung mga endearment mo! Pati yung pahalik-halik mo sa noo ko! Nakakainis na!"

"At sobrang inis mo kaya naiyak ka?"

"Oo! At di ko gusto yung mga naririnig ko! Di ako natutuwa sa inyo! Sa mga ginagawa mo!"

"Ibig sabihin, ayaw mo nung mga ginagawa ko?"

Ay nako! Paulit-ulit! Kasasabi ko lang! Tss!

"Eh bakit parang okay lang naman sayo na hinahalikan kita sa noo? Akala ko talaga, okay lang."

Akala. Tss. "Eh bakit mo ba kasi ginagawa yun?"

"May masama ba sa ginagawa ko?"

Nakakainis na ah! "Eh bakit ang sagot mo sa tanong ko ay tanong din?!"

"Ang nonsense kasi ng mga taong mo."

>.< "NONSENSE?! ikaw nga tong nonsense eh! Wala kang kwenta kausap! Sinagot ko na yung tanong mo tapos hindi mo sasagutin yung akin! Bahala ka sa buhay mo! Aalis na ako!"

Nagsimula na akong maglakad. Bahala siya sa buhay niya. >.< Nagsasayang lang talaga kami ng oras di--

"Dahil gusto kita."

Napatigil ako sa paglalakad. Tama ba yung narinig ko? Gusto niya ako?

Ako? Gusto niya ako?

HAHAHAHAHA. Nagawa pang majoke nitong si Denver. Humarap ako sa kanya.

"Seryoso ka ba?" Tapos natawa ako at napatingin sa taas. "Hmmmm.... Ahhhhh... Alam ko na. Bakit hindi ko ba naisip yun kaagad? Ako na ba ang target mo sa mga pantitrip mo? Kaya sinasabi mo yan? Hahaha. Sorry. Hindi mo ako madadala sa ganyan."

"Pe--"

"Alam ko na mga taktika mo. Kaya maghanap ka na lang ng ibang mapagtitrip-an. Ah teka, yung muse na papalitan ni Joan, pwedeng pwede mo gawin sa kanya yung mga pinaggagagawa mo sa akin." Tapos ngumiti ako.

Nakita kong kumunot yugn noo niya. Hinayaan ko na lang yun at tumalikod na ako.

Totoo naman ang lahat ng sinabi ko eh. Saka kung sa ibang babae niya gagawin yun, hindi na siya mahihirapan. Baka siguro nachachallenge siya sa akin. Baka si--

Nagulat ako nang hawakan niya yung kamay ko. "Ihahatid na kita."

Nagpumiglas ako nang malakas at nagulat ako nang pakawalan niya yung kamay ko. Akala ko mas hihigpitan niya ang hawak niya tulad nang ginagawa niya dati.

Eh matapos ba naman ng mga sinabi mo eh.

Totoo naman kasi. Pinagtitrip-an lang niya ako. Pustahan! Haha.

Haaayyyy. Ang tahimik ah! At ang awkward, bakit ganun?

Sinilip ko si Denver. Diretso lang ang tingin niya. Seryoso na parang malungkot? Eh bakit siya malulungkot? Ahhh... Dahil nabuking ko siya? Hahaha. Sorry siya. Magaling yata ako sa ganyan. :)))

Pero seryoso, bakit nakakaramdam ako ng awkwardness? Parang ibang Denver yung kasama ko ngayon. Haaaayyyy...

Nakarating na kami sa bahay na wala pa ring imikan. Tumigil muna ako sa tapat ng bahay namin at humarap sa kanya.

Hinihintay ko siyang magsalita dahil nakatingin lang siya sa akin. Pero wala... :(

"Uy," tinapik ko siya sa braso. "Okay lang yun kahit nabuking kita. Haha. Sige, goodnight."

Bago pa ako humakbang papasok sa gate, bigla na lang niya akong hinila palapit sa kanya at niyakap niya ako.

Eto na naman siya.

Pero bakit parang.... yung naririnig ko.

Haha... syempre iba yun. Wala yun. Imposible naman na ganito kabilis yung tibok ng puso ni Denver. Haha. Baka napagod kakalakad. Haha.

"Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mong maniwala. Totoo yung sinabi ko."

Saka humigpit ang yakap niya. At mas lumakas yung tibok ng puso na naririnig ko.

Bumitiw siya sa pagkakayakap at tumingin sa mga mata ko. He kissed my forehead and smiled at me.

"Goodnight, sweetheart."

And with that, I was caught off guard.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon