Chapter 24

64 1 0
                                    

Chapter 24

"Good morning, Ya!~" Masiglang bati ko kay Ya pagdating ko sa kusina. Sakto yung pagbaba ko kasi inihahanda na niya ang paborito kong sandwich. "Wooow!!~ Paborito ko. Parang naramdaman mong gising na ako ah." Malapad na ngiti ko sa kanya.

"Mukhang masarap ang tulog mo ah. O baka naman kasi, nakita mo na siya."

"Siya? Sinong siya?"

"Si Denver, nasa sala ah. Di mo nakita?"

O_____O Kasabay ng panlalaki ng mata ko ay yung pagtigil ng mundo ko. Nandito si Denver? Ang aga-aga ah. Isa pa.... Napatingin ako sa suot ko.

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!

Nakita niya akong naka-cycling shorts lang tapos naka-spaghetti top lang. WAAAAAHHHH!!! Agad akong lumabas ng kusina pero nakita ko na siya na palapit sa amin.

"DENVER, DIYAN KA LANG!!!!"

Nakatago ako sa may gilid at nakita ko siya na napatigil. Nakangiti na siya sa akin at hindi ko nagugustuhan ang pagngiti niya.

"Kanina ka pa pala dun, bakit hindi ka man lang nagsalita?" Naniningkit na ang mga mata ko nang tanungin ko siya.

"Eh mukhang ang saya-saya mo kanina. Kumakanta-kanta ka pa. Isa pa...," napatigil siya na parang may inaalalang magandang bagay. "Ahh, wala. Wala. So ayun, narealize ko na lang na nasa kusina ka na." Sabay paghakbang niya papalapit sa kusina.

"STOOOOPPP!! Wag kang gagalaw!! Talikod!"

Kumunot ang noo niya. "Para saan?"

"BASTA!! Talikod!!" Tumalikod din naman siya.

"Para saan ba to?" Sabay lingon niya.

"Wag kang lumingon. Talikod ka lang!!"

Bigla na lang siya tumawa. Bastusang lalaki to. Walang nakakatawa rito! "Nakita na rin naman kita kanina na ganyan ang damit mo. Ano pang sil--"

"WAAAAHHH!! HINDI KO HINIHINGIN ANG OPINYON MO!!! TUMALIKOD KA DYAN!! LAKAD PAPUNTA SA SALA!! DALI!!"

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon