Chapter 22

174 6 2
                                    

Thank you BlueMine26 for reading. <3 Saka pala, parang kilala kita. Not sure, pero yung username, tumutugma sa naiisip ko. HAHA.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 22

"Haaaa... Angelica," saka ibinaon ni Denver yung mukha niya sa balikat ko. "Bakit ba ganito ang epekto mo sa akin."

Nakapulupot pa rin yung kamay niya sa bewang ko. Hinawakan ko yung ulo niya na nasa balikat ko at humarap na siya sa akin.

"Denver."

He smiled at me. "Teka yung puso ko." Hinawakan niya yung dibdib niya. "Alam mo bang parusa mo to dahil sa ginawa mo sa flowers na binigay ko sayo kanina. Pero di ko alam na dahil dito, magiging ganito ang pakiramdam ko."

Humigpit ulii yung yakap niya sa akin. "Ayaw ko pa sanang umalis kaso hinahanap na ata ako sa loob eh. Ikaw kasi eh, pumayag ka na bumalik ako sa team. Kung hindi eh di sana, solo mo ako ngayon." Tapos tumawa siya. "Hintayin mo ako ah. Ihahatid kita mamaya. Okay?" He squeezed me and gave me a quick kiss on the lips. Agad din siyang tumakbo palayo. Kumaway pa siya sa akin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Napahawak ako sa labi ko. Ano yung nangyari? Hinayaan ko lang si Denver sa mga nangyari.

"Hala, ngumingiti, iba na yan."

Automatic na naalis yung mga kamay ko sa labi ko. "K-Kanina ka pa diyan?"

Ngumiti si Joan na parang kinikilig. "Nope. But I saw something. Hihihi."

Napahawak ako sa ulo ko. "Joan, alam mo kasi ano eh... ano... hmmm... yung kanina, ano..."

"Ano?"

Napabuntong hininga ako. "Kahit ako, hindi ko alam kung ano yung nangyari kanina."

"Kayo na ba?"

Umiling ako.

"Pero mahal mo?"

Mahal ko nga ba si Denver? Tuluyan na ba akong nahulog sa mga pinaggagagawa niya?

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon