Chapter 6: Text Message

477 10 5
                                    

 Ayiiieee. Para sayo to, Mae. Salamat sa pagbasa neto ha. ^_^. Namimiss na kita ka-chat pero I understand, busy ka school. :) Enjoy. ^___^

Anyway, pasensya na kung maikli. Pero sana magustuhan nyo, try ko mag-update mamaya since antagal din nung huli kong update.

P.S.: Kung may time kayo, basahin nyo po yung short story ko. A Valentine's Day Special. Dalawang short story po yun. Thank you. ^_^.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 6: TEXT MESSAGE

"Naku. Anong oras na." Sabay tingin sa relo ko. Usapan kasi namin ni Chris, hihintayin niya ako sa gate ng 4:30 kasi hinatid ko pa si Joan sa parking lot.

Sabay po kasi kami ni Chris uuwi. Ang totoo niyan, kasabay dapat namin si Joan, eh sinundo uli ng parents niya. Emergency daw. Ano kayang emergency yun?

Anyway, ewan ko ba kay Chris bakit biglang naisipang sumama sa amin sa pag-uwi. Ang malas lang ni Joan kasi hindi siya makakasabay sa amin, best friends na ata kaming tatlo eh.

Nakita ko na siya roon na nakatayo kaya agad ko siyang nilapitan. Medyo hinihingal pa ako. "Chris." Sabay hawak sa dalawa kong tuhod at medyo naghahabol ng paghinga. "Pasensya na. Kanina ka pa ba?"

"Okay lang. Napaaga lang ako rito. Okay ka lang? Tubig?"

Umiling ako. "Tara na. Uwing uwi na ako."

Tumayo na ako at naglakad na kami. "Hindi mo ba ikukwento kung anong nangyari kanina?"

Kanina pa ako kinukulit niyan ni Chris. Naikwento ko na kasi kay Joan habang nagkaklase kami sa Management kanina. Pagkatapos kong magreport, nakipagdaldalan na ako sa kanya. Eh ang layo kaya ng upuan ni Chris kaya hindi ko na rin siya nakwentuhan.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon