Chapter 2: Face to Face

590 11 3
                                    

 Thana! Eto na yung update. :). Salamat sa pagbabasa neto ha. :).

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 2: FACE TO FACE

Angelica's POV

Automatic na tumaas yung isa kong kilay nang paglingon nami'y si Dev ang nagsalita.

Si Joan naman, parang nakakita ng multo kung makapagtago sa likod ko.

Sabagay, demonyo nga pala yung nakita niya. Malamang yun ang dahilan. Psh. Pwes ako! Hindi ako natatakot sa demonyo.

Biglang naglakad palapit sa amin si Dev na nakapasok pa ang dalawang sa bulsa ng pants niya. "So. Sino yung pinag-uusapan nyo?"

Hindi na bumaba yung kilay ko at lalo pa siyang tumataas. Aabot na ata to sa buhok ko eh.

"Kanina ka pa ba sumusunod sa amin?"

"Ha! Ako? Sumusunod?" Then he smirked. "Why would I follow you?"

Tumawa ako. Syempre yung sarcastic na tawa. "Kasi naman. Ang laki ng university na to. Wag mong sabihing nagkataon lang na dito ka rin napadaan?"

Lalo siyang lumapit sa amin. Yung kaninang isang metrong layo niya sa amin, naging isang dangkal na lang. Napahigpit naman yung hawak ni Joan sa braso ko.

"Bilib din naman ako sa lakas ng loob mo eh no." Sabay hawi ng buhok ko na humarang sa mukha ko. Sinabit niya yun sa tenga ko.

And that gave me goosebumps. Nagsitaasan yung balahibo ko. Nakakakilabot.

"Lumayo ka nga sa akin!" Sabay tulak ko sa kanya. With full force. Pero yung full force ko parang hangin lang ata sa kanya. Ni hindi ko siya na napagalaw o napalayo.

"With what you've said, parang mas gusto ko pang lumapit sayo."

Mas lumalapit yung mukha niya. At bago pa niya magawa kung ano mang gagawin niya, sinapak ko na siya.

WOAH!

Napatingin ako sa paligid ko nang sabay-sabay na magsalita yung mga taong nakapaligid sa amin. Na hindi ko man lang namamalayan na nagsidatingan na pala sila. And worst, andami na nila.

Ooppss, NO! It's the best. Para malaman ng mga estudyante rito, na hindi sila dapat matakot sa demonyong ito.

Nang maibalik ko ang tingin ko sa kanya, nakahawak siya sa pisngi niya at nakangiti.

Nakangiti?! If I know, you're hurting inside Dev. Ayaw mo lang mapahiya sa maraming tao.

"Are you done?"

Nagulat ako sa tanong niya. "Bakit? Gusto mo pa ba?"

Ginalaw-galaw nito yung kanyang panga saka nagsalita uli. "The last time I checked, nagtanong lang naman ako kung sino yung pinag-uusapan nyo, tapos ako pa tong nasuntok."

Oh c'mon. Ano yan? Paawa? Psh. Hindi effective yan, Dev. "Yan siguro ang napapala ng mga tsismoso?"

"Mataray ka pala. Akala ko mabait ka. May narinig kasi ako na pinag-uusapan nyo. Sinabihan mo pa ng demonyo. So, na-curious ako."

"Psh. Ikaw lang naman ang demonyo rito eh."

"Angelica." Bulong ni Joan sa akin. "Andaming tao. Baka nakakalimutan mo, may mga alipores yan si Denver."

"The hell I care!"

Napasigaw ako nang wala sa oras. Sa kaibigan ko pa.

"Baka anuhin nila tayo."

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon