Chapter 3: Magkaanak?

626 10 7
                                    

 Thank you for reading this. ^_^. Sana magustuhan mo. ^_^. At ng iba pa. :).

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 3: MAGKAANAK?

Napadilat ako nang marinig kong may boses lalaki na nagsalita. Pagbukas ng mga mata ko, iisang direksyong lang ang tinitignan ng mga malalanding babaeng to.

>_>

AT ABA! Andito na pala yung boss nila, kaya naman pala.

It's Dev at ayun na naman siya sa kanyang standing position. Parehong nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pants.

"Denver!" Sigaw ng leader ng malalanding babaeng to. Yung nanabunot sa akin.

Lumapit na sa amin yung Dev. Baka nga siya yung boss nila at siya yung mananakit sa akin. Ha! Pwes, tignan na lang natin.

"Hi. Denver." Sabi nung babae sabay pulupot ng kamay sa leeg ni Dev. Psh. Malandi nga naman. "Kaya ba pinigilan mo ako kasi ikaw ang gustong gumanti sa kanya."

Biglang kumunot yung noo ni Dev. Bigla naman niyang tinanggal yung kamay nung babae sa leeg niya. Tapos ay humarap sa amin.

AYAN NA!

Sige. Lapit ka lang. Go lang. Paglapit mo, babayagan kita.

AYAN NA!

"Bitawan mo." Sabi niya dun sa babaeng nakahawak sa kanang kamay ko.

"P-Pero."

"Bitawan mo." Sabi din niya dun sa isang babae sa kaliwa ko.

Eto ang gusto ko. Fair ang laban. One-on-one. Langyang mga babae to eh, duwag.

Naka-ready position na ako. Yun bang parang boksingero na lalaban na.

Pero bakit siya, nakalagay pa rin yung mga kamay niya sa bulsa niya. Parang baliw din tong demonyong to eh no. May glue ata sa bulsa, lagi na lang nandun yung mga kamay. Psh.

Biglang naging slow motion ang lahat. Akala ko, susuntok na siya kaso kamay ko ang hinawakan.

"Wag nyo na siyang lalapitan, okay? Get lost." Sabi niya. At ang tono, parang boss ng isang mafia group. Ewan, first time kong marinig yun na galing sa kanya. Bigla akong natakot eh. Kaya siguro maraming natatakot sa kanya, laging ganun ang boses niya sa iba.

Tapos bigla na siyang naglakad, syempre kasama ako. Hawak-hawak niya ako eh.

At takte! Ang bilis maglakad.

"HOY TEKA NGA! BITAWAN MO NGA AKO!"

Agad siyang tumigil without removing his hands.

Saka siya humarap sa akin. Na nakangiti. A devil smile. Ha! Akala mo naman nakakapang-akit. Well, kaunti lang.

"Are you following me?"

Tanong ko sa kanya. Kasi naman, siya uli. Parang kabute na bigla na lang susulpot.

He smirked. "Following you? No, I'm not. Why would I?"

"Psh. Kunwari ka pa."

Tumawa siya. "Alam mo, ang taas talaga ng tingin mo sa sarili mo. Saka, hindi ka lang ba magpapasalamat sa akin kasi niligtas kita sa mga babaeng yun?"

"Ha! If I know, ikaw ang nag-utos sa kanila. Nagpa-hero effect ka lang."

"Wow. Naisip mo yan? Bakit ako hindi?" Sabay hawak sa baba niya tapos tumingin sa taas na parang nag-iisip.

My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon