Chapter 29
Luna Pov.
Mula sa gilid ay tanaw ko ang mga hardenerong abala sa kani-kanilang gawain, Sa sobrang lawak ng hardin ay hindi pweding dalawa lang ang mag-asikaso dito.
Hindi ko alam na sobrang yaman pala ni don fabio, Matapos malaman ang lahat ay hindi na ako nagtanong pa ng iba. Nagpa-alam na rin kasi si tita na babantayan pa ang senior, Hindi ko tuloy maiwasan isipin ang napag-usapan namin kanina.
How can I convince miguel kung siya mismo ay ayaw niya, I don't have any idea.
"Narito ka lang pala." bumaling ako sa gilid ng may magsalita.
"Miguel." I faced him, he still in serious aura tingin pa lang napaka-suplado na. Kung hindi mo siya kilala mahihiya ka pang kausapin ito.
"What are you doing here?" He walked towards on me, Nakapamulsa at binalingan pa ang mga hardinero na halos kasising-edaran niya lang siguro, O di kaya mas matanda pa sa kanya. Hindi naman nalalayo sa edad namin.
"W-wala naman, Pinapanuod ko lang sila."
"Mukhang nag-eenjoy kang manood sa kanila." tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya, don't tell me pagseselosan niya pa ang mga hardenero.
"Pinagsasabi mo."
"Wala." he mocked in irritation, Bumuntong hininga bago tumingin sa paligid. "Change your clothes pupunta tayo sa kaliwang dako." napayuko ako sa damit ko, I'm still wearing the simple dress hindi naman malaswa bakit papalitan pa.
"Kailangan ko pa bang palitan?" I asked, Tumingin siya sakin.
"Hindi naman, pero baka hindi ka kumportable mamaya."
"Saan?" takang tanong ko,
"Basta." anas nito, tumalikod. "Follow me." naglakad siya ngunit hindi ito pumasok sa loob, sumunod ako dito kahit hindi ko alam kung anong gagawin niya.
Lumiko siya sa gilid ng bahay mukhang patungo sa likod, Nang makarating doon ay may lumapit saming lalake na medyo may kaedaran na.
"Sir migu--"
"Don't call me sir mang mario." putol nito sa matanda, ngumiti ito at tumango.
"Ayos na ba?"
"Oo si-." ..nahinto siya, hindi nito alam kung anong itatawag sa kausap "M-miguel." dugtong niya napakamot sa batok.
"Kukunin ko lang saglit doon." wika ng tinawag niyang mang mario, Umalis ito at hindi ko alam kung anong kukunin niya.
"A-anong kukunin niya? Hindi ba natin gagamitin ang pickup?" Sunod sunod na tanong ko, umiling ito.
"Iba ang sasakyan natin." He answered half smiling, hindi na ako nakapag-tanong dahil dumating na si mang mario.
Nanlaki ang mata ko ng makita kung anong hila niya, Agaran akong pumunta sa likod ni miguel nagpapalit palit ang tingin sa hawak ni mang mario at sa kanya.
"Hindi ako sasakay diyan!!" I declaired, Mariing nakakapit sa tshirt ni miguel.
"Why?." lumingon ito sakin, natatawa sa reaksyon ko. "Yan ang sasakyan natin para maka-ikot tayo ng maayos." Umiling ako at tumingin sa kabayo.
"Ayoko! Tingnan mo nga siya!" Tinuro ko ang kabayo na nakatingin sakin "Ang sama ng tingin niya, baka ihulog niya pa ako mamaya!" I heard him chuckled, they both laughing dahil sa inasta ko.
"This is the natural reaction of horse luna, hindi ka naman kakainin niyan." Miguel said, nanatiling nakangiti sakin. Makailang iling ang ginawa ko.
Ngayon lang yata ako nakalapit ng malapitan sa kabayo, Never pa akong nakahawak nito lalo na nakasakay. D*mn, Baka himatayin lang ako pag sumakay ako diyan.
BINABASA MO ANG
Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETED
RomanceMay isang aroganteng babaeng aksidenteng nakilala ang may cold personality na chef. Nagtagpo ang landas nila isang araw sa airport at aksidenteng nagkabanggaan. Kapwa nahulog ang kanilang cellphone na may pagkakahawig ang unit. Nawaglit sa paningin...