Chapter 55

324 12 0
                                    

Luna Pov.

Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa kaharap ko, Ang yakap niya'y walang kasing higpit. Maging ang nasa likuran niya ay mangiyak-ngiyak na nakatingin sa' kin.

Sa haba ng pinagsamahan namin ay hindi ko inaasahan na ganito ang magiging kilos nila ngayong mismong nakita nila ako.

Masasabi 'kong tunay nga sila.

"Omygod luna, Were searching of you since you left the hospital. H-how could you do this to your parents?" iniwas ko ang tingin ng sandaling kumalas siya sa yakap, hindi ko nais lumayo sa mga magulang ko. Ngunit kung ito lamang ang magiging paraan para makalimot ako ay gagawin ko, Kahit maulit pa ang panahong iyon.

"Sobrang nag-aalala si tita elizabeth, luna." singit ng nasa likuran, sa tagal ng panahon ay ngayon ko na lamang siya nakita.

"She passed out last night, She's in hospital now.." kinabahan ako sa sinabi ng kaharap ko, Hindi ko inaasahang ganito na ang nangyayari sa manila.

"Kumusta na si mommy ngayon? Is she okay?" hindi ko maitago ang kaba sa boses ko, Nag-aalala ako para sa kalusugan niya.

"If you really want to know her situation just go home and leave that man.." tumingin siya sa aking likuran, Naroon pa rin si jasper. Nanatiling walang imik at tahimik lang na nakikinig.

"Vivian, Tell me. My mommy is okay right?" tanong 'kong muli, hindi na ako mapakali na malaman 'kong ayos lang siya.

"Umuwi ka na.." aniya, hindi sinasagot ang katanungan ko.

"Luna, umuwi ka na. Marami ng nag-aalala sa'yo, Lalo na ng malaman naming nakidnap ka.." sinulyapan ko si antonette ng magsalita siya, ang mga taong nanatiling gising ay napapadaan pa sa harapan ng bahay.

Hindi pweding makita si jasper dito, Baka bigla na lang ay may magsabing narito siya. Hindi ko siya maaaring pabayaan na lamang.

"Sa loob na tayo mag-usap.." nagpauna na akong pumasok, Ang mga yapak nila ang tanging maingay sa bawat silid. Hindi ko inaasahang mangyayari ito.

"Bakit palagay pa ang loob mo sa kidnaper na ito.." si vivian muli, Mababakas ang kairatasyon sa tinig niya.

"He didn't kidnap me, vivian.." I uttered, She rolled her eyes on me.

"Really?" She hissed, Raising her eyebrow. "We have evidence that he really kidnap you, The cctv luna.."

"W-what cctv?"

"Cctv in highway.." Antonette declaired the answer, 

Cctv?

Kung ganon ay may cctv sa highway na iyon.

"Nagsasalita ba ang cctv at sinabing kinidnap ko ang kaibigan niyo?" Jasper said, Almost sarcasm.

Ang dalawa 'kong kaibigan ay nanatiling nakatayo, walang balak na maupo sa kaharap na sofa.

"Siya ang nagpumilit na sumama sa'kin.." he uttered again, His eyes dart on me. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon, Siguro nga ay blanko ako ng oras na nakita ko siya.

"Pero kita sa cctv na hinila mo siya pasakay sa kotse mo.." si antonette, medyo mahinahon lang ang pagkasabi niya. Hindi katulad ni vivian, Laging galit at sumisigaw.

"Iyon ba?" sagot ni jasper, Ang mga kamay ni vivian ay pinagkrus niya. Sa oras na makarinig ito ng hindi maganda ay paniguradong malalagot si jasper. "Hindi niyo ba nakita mismo sa cctv kung bakit humantong kami sa sitwasyong iyon?" muli ay nagsalita siya, hindi niya nais diretsuhin ang mga katanungan ng kaibigan ko.

"Dont let your self a cleared guy, Akala ko ay mabait ka. Tsk, Isa ka lang palang gwapo.." si vivian, natawa si jasper dahil sa sinabi nito.

"Siguro iyong eksena lang sa kotse ang nakita niyo mismo.." sagot ni jasper, hindi na ito bumaling sa' kin. "Nakita ko ang kaibigan niyo sa gitna ng kalsada, Wala siya sa sarili, Ang mga dumadaan na sasakyan ay parang wala man lang sakanya.." nilingon ako nila vivian, ang mga mata nila ay hindi ko mabasa. Nag-iwas ako ng tingin hindi ko na nais pang balikan ang kinalimutan ko na.

Make Mr Fierce Mine (Adonis Series 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon